Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w94 6/15 p. 32
  • Si Abraham—Inilibing Dito, Ngunit Buháy?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Si Abraham—Inilibing Dito, Ngunit Buháy?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1994
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1994
w94 6/15 p. 32

Si Abraham​—Inilibing Dito, Ngunit Buháy?

Sa loob ng daan-daang taon ang mga Judio, Muslim, at mga Kristiyano ay naglakbay tungo sa lugar na ito.

Madadalaw mo ito sa sinaunang lunsod ng Hebron, sa timog ng Jerusalem. Ang gusaling ito ay tinatawag kapuwa na Haram el-Khalil at ang Puntod ng mga Patriyarka. Oo, ito’y malawakang tinatanggap bilang ang libingan ng mga patriyarkang sina Abraham, Isaac, at Jacob, gayundin ang kani-kanilang asawang sina Sara, Rebeca, at Lea.

Gunitain buhat sa Bibliya na sa pagkamatay ng kaniyang minamahal na kabiyak, si Sara, bumili si Abraham ng isang yungib at ilang lupain bilang dakong paglilibingan sa Macpela, malapit sa Hebron. (Genesis 23:2-20) Nang malaunan, si Abraham man ay inilibing dito, pati ang ibang miyembro ng pamilya. Makalipas ang daan-daang taon, sa palibot ng tradisyunal na libingan, si Herodes na Dakila ay nagtayo ng isang kahanga-hangang gusali na nang sumapit ang panahon ay binago at pinalakihan ng mga mananakop, na nagpapaaninaw ng kanilang sariling relihiyosong mga paniniwala.

Sa pagpasok pa lamang, makikita mo na ang anim na cenotaphs (mga monumento o mga nitsong walang laman.) Sa nakasingit ay makikita ang isa para kay Isaac, na anak ni Abraham. Malapit dito ay may mga butas na lampasan sa sahig, na ginamit upang marating ang nasa ilalim. Natuklasan ng mga imbestigador ang ilang silid na marahil ay may maraming sinaunang buto.

Kumusta naman si Abraham? Kung siya’y inilibing sa isang yungib na ngayo’y nasa ilalim ng lugar na ito, siya ay malaon nang patay, hindi ba? Sasang-ayon ang karamihan ng mga panauhin. Subalit isang propeta na lalong dakila kaysa kay Abraham ang nagsabi na sa isang diwa si Abraham ay buháy pa rin. Papaano? At ano ang kaugnayan nito sa iyong pananampalataya?

Pakisuyong basahin ang artikulong “Ang Nangamatay na mga Mahal Mo sa Buhay​—Nasaan Sila?” (Pahina 3) Inihaharap nito ang sinabi ng dakilang propetang iyan tungkol sa pagiging buháy ni Abraham, isang impormasyon na pakikinabangan mo at ng iyong pamilya.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share