Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w94 8/15 p. 30
  • Natatandaan Mo Ba?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Natatandaan Mo Ba?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1994
  • Kaparehong Materyal
  • Bahagi 4—“Kaming mga Mamamayan”
    Gumising!—1990
  • Natagpuan Mo Na ba ang Tamang Relihiyon?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1994
  • Ang Inyo Bang Tahanan ay Isang Dako ng Kapahingahan at Kapayapaan?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1988
  • Saan Ka Makasusumpong ng Mapagkakatiwalaang Patnubay?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1994
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1994
w94 8/15 p. 30

Natatandaan Mo Ba?

Napag-isipan mo bang mabuti ang kamakailang mga isyu ng Ang Bantayan? Kung gayon, masusumpungan mong kawili-wiling gunitain ang sumusunod:

▫ Ano ba ang isang pangunahing pagkakaiba ng tao sa mga hayop?

Ang isang malaking pagkakaiba ay nakasentro sa kayarian, kakayahan, at mga nagagawa ng utak. Sa mga hayop halos lahat ng gawain ng utak ay nakaprograma na sa tinatawag na likas na talino. Hindi ganito sa mga tao. Sinangkapan ng Diyos ang mga tao ng kakayahan ng malayang kalooban. (Kawikaan 30:24-28)​—4/15, pahina 5.

▫ Anong bahagi ang ginanap ng pag-awit sa pagsamba ng mga Israelita sa templo?

Ang musika, lalo na ang mga mang-aawit, ay may mahalagang dako sa pagsamba, hindi upang magkintal ng mas mabibigat na bagay ng Batas, kundi upang magdulot ng tamang espiritu para sa pagsamba. Tumulong iyon sa mga Israelita upang sumamba kay Jehova sa isang determinadong paraan. (1 Cronica 23:4, 5; 25:7)​—5/1, pahina 10, 11.

▫ Anong uri ng pag-aasikaso ang kailangan ng mga anak mula sa pagkasanggol?

Ang mga magulang ay kinakailangang magbigay ng halos walang tigil na pag-aasikaso sa isang bagong silang. Si Pablo ay sumulat: “Mula sa pagkasanggol ay alam mo na ang banal na mga kasulatan, na makapagpaparunong sa iyo ukol sa kaligtasan.” (2 Timoteo 3:15) Samakatuwid ang pag-aasikaso na nakamit ni Timoteo mula sa magulang, kahit na mula sa pagkasanggol, ay uring espirituwal din.​—5/15, pahina 11.

▫ Anong apat na hanay ng patotoo ang nagpapatunay na taglay ng Bibliya ang mensahe ng Diyos para sa lahat ng tao?

(1) Maaaring makuha. Ang Bibliya ay maaaring pakinabangan ng mga 98 porsiyento ng populasyon ng daigdig. (2) Patotoo ng Kasaysayan. Ang Bibliya ay may mga patotoo ng kasaysayan, sa halip na mga alamat na di-mapatutunayan. (3) Praktikal. Ang mga utos at mga simulain nito ay bumabalangkas ng isang paraan ng pamumuhay na nagdudulot ng kapakinabangan sa mga sumusunod sa mga ito. (4) Hula. Ito ay isang aklat ng nagsasabi nang detalyado kung ano ang magaganap sa hinaharap.​—6/1, pahina 8, 9.

▫ Anong pananagutan ang kasama ng pagkaalam sa tamang relihiyon?

Minsang makilala natin ang tamang relihiyon, kailangang maging sentro iyon ng ating buhay. Iyon ay isang paraan ng pamumuhay. (Awit 119:105; Isaias 2:3)​—6/1, pahina 13.

▫ Bakit totoong kailangan ang personal na pag-aaral ng Bibliya?

Lahat ng lingkod ng Diyos ay nangangailangang mapanumbalik ang kanilang kagalakan at lakas sa araw-araw sa pamamagitan ng pagkasumpong ng bago o mas malalalim na pitak ng katotohanan ng Salita ng Diyos. Sa ganitong paraan ay napananatili nila ang kanilang sarili na masigla sa espirituwal.​—6/15, pahina 8.

▫ Ano ang ibig sabihin ng salitang “kasalanan” ayon sa pagkagamit sa Bibliya?

Sa kanilang mga anyong pandiwa, ang mga salitang Hebreo at Griego na karaniwan nang ginagamit sa Bibliya upang tumukoy sa “kasalanan” ay nangangahulugan ng “magmintis,” sa diwa na pagsala o hindi pag-abot sa tunguhin, marka, o puntirya. Ang unang mag-asawa ay nagkulang sa kaluwalhatian ng Diyos, nagmintis sa layunin ng pagkalalang sa kanila ayon sa larawan ng Diyos. Sa ibang pananalita, sila’y nagkasala. (Genesis 2:17; 3:6)​—6/15, pahina 12.

▫ Bakit talagang hindi isang katalinuhan ang bumasa ng literaturang apostata?

Ang ilan sa literaturang apostata ay naghaharap ng mga kasinungalingan sa pamamagitan ng “madulas na pangungusap” at “mga salitang palsipikado.” (Roma 16:17, 18; 2 Pedro 2:3) Lahat ng isinulat ng mga apostata ay pamimintas lamang at nakapagpapahina. Walang anumang nakapagpapatibay.​—7/1, pahina 12.

▫ Ang Gresya ba ang pinagmulan ng demokrasya?

Sa sinaunang Gresya, ang demokrasya ay sinusunod lamang sa ilang lunsod-estado, at maging sa mga ito ay mga lalaki lamang ang bumoboto. Ito’y nangangahulugan na apat kalima ng populasyon ang hindi kasali. Hindi nga masasabing iyan ay popular na soberanya o demokrasya!​—7/1, pahina 16.

▫ Ano ang nagpapangyari na magtagumpay ang isang pag-aasawang Kristiyano?

Kapag ang mag-asawa ay gumagalang sa pangmalas ng Diyos sa pag-aasawa at nagsisikap na mamuhay ayon sa mga simulain ng kaniyang Salita. (Efeso 5:21-33)​—7/15, pahina 10.

▫ Papaano maaaring maging kasiya-siya ang inyong pampamilyang pag-aaral?

Sikaping lahat ng anak ay makasali. Maging positibo at nakapagpapatibay, binibigyan ng masiglang komendasyon ang inyong mga anak dahil sa kanilang pakikibahagi. Huwag basta kubrehan lamang ang materyal kundi sikaping maabot ang mga puso ng inyong mga anak.​—7/15, pahina 18.

▫ Ano ang ipinahihiwatig ng pangungusap na: “Kailanma’t kanilang sinasabi: ‘Kapayapaan at katiwasayan!’” (1 Tesalonica 5:3)

Pansinin na hindi sinasabi ng Bibliya na ang mga bansa ay magkakamit ng “kapayapaan at katiwasayan.” Kundi sila sa papaano man ay mag-uusap tungkol doon sa isang pambihirang paraan, na nagpapahayag ng pagiging positibo at ng paninindigan na dati’y hindi nila nadarama. Ang mga pagkakataon na magkamit ng kapayapaan at katiwasayan ay tila mas malapit na kaysa kailanman.​—8/1, pahina 6.

▫ Bumanggit ng tatlong paraan na doo’y ipinakikita ni Jehova ang pagka-makatuwiran.

Ipinakita ni Jehova ang kaniyang pagiging handang magpatawad. (Awit 86:5) Siya’y handang baguhin ang isang binabalak na paraan ng pagkilos samantalang bumabangon ang bagong mga kalagayan. (Tingnan ang Jonas, kabanata 3.) Gayundin, ipinakita ni Jehova na siya ay makatuwiran sa paggamit ng awtoridad. (1 Hari 22:19-22)​—8/1, pahina 12-14.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share