Pag-asa Para sa mga Walang-Malay na Biktima
IYON ay isa sa pinakanakasusuklam na krimen na nagawa ng tao—ang ritwal ng paghahain ng mga bata. Ang iba ay hindi naniniwala na ang gayong karumal-dumal na gawain ay naganap. Subalit ang tatak na ito ng pagsamba ng mga taga-Fenicia ay pinatunayan ng maraming tuklas ng mga arkeologo.
Ang mga anak mula sa maharlikang mga angkan ay inihahain sa apoy sa mga diyos na tulad ni Tanit at Baal-Hammon. Sa Cartago, ang mga batang biktima ay sinunog bilang hain sa isang tansong estatuwa ni Kronos. Sinabi ni Diodorus Siculus, isang istoryador noong unang siglo B.C.E., na ang mga kamag-anak ng bata ay hindi pinapayagang umiyak. Marahil ay pinaniniwalaan na ang mga luha ng pananangis ay makababawas sa halaga ng hain.
May yugto ng panahon na isang nahahawig na ritwal ang ginaganap sa sinaunang Topheth malapit sa Jerusalem. Ang mga mananamba roon ay nagsasayaw at pinatutunog ang mga tamburin upang huwag marinig ang iyak ng bata habang inihahagis iyon sa nag-aapoy na tiyan ni Molech.—Jeremias 7:31.
Kaylaki ng galit ni Jehova sa mga walang-pusong nagbibingi-bingihan sa pagdurusa ng iba. (Ihambing ang Kawikaan 21:13.) Bilang Diyos na nagpapakita ng pagdamay sa mga bata, tunay na isasali ni Jehova ang gayong mga walang-malay na biktima sa “pagkabuhay-muli kapuwa ng mga matuwid at mga di-matuwid.”—Gawa 24:15; Exodo 22:22-24.