Isang Okasyon na Hindi Mo Dapat Kaligtaan
“Ang bawat mabuting kaloob at ang bawat sakdal na regalo” ay nagmumula sa Diyos, ang ating makalangit na Ama. (Santiago 1:17) Ang pinakadakilang kaloob na ibinigay ng Diyos sa makasalanang sangkatauhan ay ang paglalaan para sa kanilang katubusan sa pamamagitan ng kaniyang bugtong na Anak, si Jesu-Kristo. Ang kamatayan ni Jesus na ating Manunubos ang nagpapaging posible sa buhay na walang-hanggan sa isang paraisong lupa. Sa Lucas 22:19, tayo ay inuutusan na alalahanin ang kaniyang kamatayan.
Malugod kang inaanyayahan ng mga Saksi ni Jehova na makibahagi sa kanila sa pagbibigay-pansin sa utos ni Jesus. Ang taunang pangingilin na ito ay gaganapin paglubog ng araw sa petsang katumbas ng Nisan 14 sa kalendaryong lunar ng Bibliya, na papatak sa Martes, Abril 2, 1996. Itala ang petsang ito upang hindi mo ito makalimutan. Masasabi sa iyo ng mga Saksi ni Jehova sa inyong lugar ang eksaktong dako at oras ng pagtitipon.