Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w96 9/15 p. 32
  • Katuparan ng Hula sa Bibliya

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Katuparan ng Hula sa Bibliya
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1996
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1996
w96 9/15 p. 32

Katuparan ng Hula sa Bibliya

MAKIKITA sa Imperial War Museum sa London, Inglatera ang isang pambihirang orasan at isang electronic digital counter. Habang umiikot ang orasan, ang counter ay pumipitik tuwing 3.31 segundo. Sa bawat pitik ay isang bilang ang nadaragdag sa kabuuan. Ang bawat pitik, bawat bilang, ay kumakatawan sa isang lalaki, babae, o bata na namatay bunga ng digmaan sa siglong ito.

Sinimulan ng counter ang pagkuwenta nito noong Hunyo 1989 at inaasahang makukumpleto ang pagbilang sa hatinggabi ng bisperas ng taóng 2000. Sa panahong iyon ang numero sa counter ay magtatala ng isang daang milyon​—ang tinatayang bilang ng mga kamatayang bunga ng digmaan sa buong ika-20 siglo.

Halos 2,000 taon na ang nakalipas, inihula ni Jesus ang isang panahon na ang palatandaan ay ang ‘pagbangon ng bansa laban sa bansa at kaharian laban sa kaharian.’ Kaya naman, matagal nang ipinangangaral ng mga Saksi ni Jehova na ang mapangwasak na mga digmaan sa siglong ito, pati na ang maraming lindol, salot, kakapusan sa pagkain, at iba pang mga pangyayari, ay sama-samang naglalaan ng patotoo na tayo ay nabubuhay sa “mga huling araw”​—ang yugto ng panahon na kasunod ng pagluklok ni Kristo sa langit bilang Hari noong taóng 1914.​—Lucas 21:10, 11; 2 Timoteo 3:1.

Sa paggamit sa Bibliya bilang awtoridad nito, ipinahahayag ng Ang Bantayan ang mabuting balita na malapit nang lipulin ng Kaharian ng Diyos ang mga mang-aapi at gagawin nitong paraiso ang lupa. At kumusta naman ang hinaharap ng pagdidigmaan? Sinasabi ng Bibliya: “Halikayo, masdan ninyo ang mga aktibidad ni Jehova, kung paano niya itinakda ang kamangha-manghang mga pangyayari sa lupa. Pinatitigil niya ang mga digmaan hanggang sa kadulu-duluhan ng lupa. Binabali niya ang busog at pinagpuputul-putol ang sibat; sinusunog niya sa apoy ang mga bagon [ng digmaan].”​—Awit 46:8, 9.

[Picture Credit Line sa pahina 32]

Orasan: Sa kagandahang-loob ng Imperial War Museum

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share