Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w97 1/1 p. 32
  • Sino ang Dapat Sisihin sa Digmaan?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Sino ang Dapat Sisihin sa Digmaan?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1997
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1997
w97 1/1 p. 32

Sino ang Dapat Sisihin sa Digmaan?

ANG Diyos ba ang dapat sisihin sa mga digmaan ng tao? “Hindi, hindi gusto ng Diyos ang digmaan.” Ganiyan sinagot ni Martin Niemöller, isang kilalang Protestanteng klerigong Aleman, ang tanong na ito di-nagtagal pagkatapos ng Digmaang Pandaigdig II. Inilathala ang kaniyang mga komento noong 1946 sa isang aklat na tinatawag na Ach Gott vom Himmel sieh darein​—Sechs Predigten (O Diyos, Tumingin Ka Mula sa Langit​—Anim na Sermon).a Sinabi ng aklat:

“Sinuman na nais sisihin ang Diyos sa [mga digmaan] ay hindi nakaaalam, o hindi gustong makaalam, ng Salita ng Diyos. Sabihin pa, ibang usapan naman kung tayo na mga Kristiyano ay mayroon o walang malaking pananagutan sa walang-tigil na mga digmaan. At hindi natin madaling maiiwasan ang tanong na ito. . . . Maaari ring gunitain nang buong-linaw na ang mga iglesyang Kristiyano, sa lahat ng panahon, ay paulit-ulit na sumuporta upang basbasan ang mga digmaan, mga hukbo, at mga sandata at na ipinanalangin nila sa paraang totoong di-maka-Kristiyano ang pagkapuksa ng kanilang mga kaaway sa digmaan. Lahat ng ito ay kasalanan natin at ng ating mga ninuno, subalit hindi kailanman ng Diyos. At tayong mga Kristiyano sa ngayon ay kahiya-hiya sa harap ng diumano’y sekta na gaya ng mga Taimtim na Estudyante ng Bibliya [mga Saksi ni Jehova], na daan-daan at libu-libo sa kanila ay dinala sa mga kampong piitan at namatay [pa nga] dahil tumanggi silang makipagdigma at pumatay.”

Sa ngayon, mga 50 taon pagkatapos ng Digmaang Pandaigdig II, ang mga salita ni Niemöller ay nararapat pag-isipan ng mga taong maibigin sa kapayapaan. Hindi, ang Diyos ay hindi dapat na sisihin sa pagbububo ng dugo na ginagawa ng mga bansa! Sa katunayan, sa pamamagitan ng kaniyang mga tunay na mananamba, na nanatiling hiwalay sa mga alitan sa sanlibutan, ipinahahayag ng Diyos ang napipintong wakas ng lahat ng digmaan.​—Awit 46:9; Juan 17:16.

[Talababa]

a Nang maglaon ay inilathala sa Ingles ang mga sermon ni Martin Niemöller sa aklat na Of Guilt and Hope. Subalit ang bersiyon sa Ingles ay iba sa orihinal na tekstong Aleman, kaya ang pagsiping ito ay salin mismo buhat sa Aleman.

[Picture Credit Line sa pahina 32]

Kuha ng USAF

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share