Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w97 1/15 p. 32
  • Ang Lahat ba ay Mula-sa-Diyos na Pagsisiwalat?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Lahat ba ay Mula-sa-Diyos na Pagsisiwalat?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1997
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1997
w97 1/15 p. 32

Ang Lahat ba ay Mula-sa-Diyos na Pagsisiwalat?

MAAARI kayang ang espiritu ng Diyos, na siyang kumasi sa Banal na Bibliya, ang siya ring nagpagawa sa ibang aklat na itinuturing ng ilan na banal? (2 Timoteo 3:16) Ito ay itinanong ng isang Italyanong Jesuitang pahayagan (La Civiltà Cattolica), inilathala “sa ilalim ng pangangasiwa ng Secretariat of State [ng Batikano]” at sa gayo’y itinuturing na mapanghahawakan ng mga Katoliko.

“Sa pamamagitan ng pagkilos ng Banal na Espiritu ay pinangalat ng Diyos ang binhi ng Salita maging sa ilang banal na aklat tungkol sa di-Judio at di-Kristiyanong tradisyon,” ang sabi ng Jesuitang pahayagan. Para sa mga Jesuita, ang mga “banal” na aklat, gaya ng Zoroastrian Avesta o ng Apat na Aklat ng Confucianismo, ay isinulat “nang may partikular na impluwensiya ng Banal na Espiritu, at kung gayon, sa ilang antas ay nagtataglay ang mga ito ng ‘banal na pagsisiwalat.’ ”

Gayunman, nagpaliwanag ang artikulo. “Hindi lahat ng nilalaman ng gayong banal na mga aklat ay salita ng Diyos,” ang sabi nito, anupat isinusog na yaong sumulat sa mga aklat na ito ay maaaring “naimpluwensiyahan ng kapaligirang may maraming sinasambang diyos o ng kapaligirang pilosopikal” na doo’y nanirahan at namuhay sila. Ayon kay Marco Politi, ang tagapag-ulat sa gawain ng Batikano para sa pahayagang La Repubblica, ang ganitong paniniwala ay “nagbukas ng dati’y imposibleng kaugnayan sa pagitan ng Simbahang Katoliko at ng malalaking makasaysayang relihiyon,” anupat ibinabalik ang diwa ng mga pagtitipon ukol sa sama-samang pananalangin ng iba’t ibang relihiyon na gaya niyaong sa Assisi noong 1986, na may kasigasigang itinaguyod ni John Paul II.

Si Jehova ay hindi Diyos ng kaguluhan at kalituhan. (1 Corinto 14:33) Kaya hindi natin makatuwirang masasabi na kakasihan ng kaniyang banal na espiritu, o aktibong puwersa, ang kahit isang bahagi ng anumang aklat na hindi lubusang kasuwato ng kaniyang Salita, ang Bibliya. Sa halip na pasiglahin ang ekumenikal na mga pamamaraan sa pagitan ng iba’t ibang “relihiyosong mga tradisyon,” ang Kristiyanong apostol na si Pablo ay sumulat na may “isang pag-asa . . . , isang Panginoon, isang pananampalataya, isang bautismo.”​—Efeso 4:4, 5.

Ang “isang pag-asa” na iyan ay salig sa pananampalataya kay Jesu-Kristo. Angkop na sinasabi ng Bibliya: “Walang kaligtasan sa kaninumang iba, sapagkat walang ibang pangalan sa ilalim ng langit na ibinigay sa mga tao na siyang dapat nating ikaligtas.” (Gawa 4:12) Walang ibang “banal na aklat” na naglalarawan kay Jesus bilang ang may pangunahing papel sa pagsasakatuparan ng mga layunin ng Diyos. Matuturuan tayo ng Bibliya tungkol sa maibiging paglalaan ng Diyos na Jehova ukol sa kaligtasan tangi lamang kung tatanggapin natin ito bilang ang Salita ng Diyos.​—Juan 17:3; 1 Tesalonica 2:13.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share