Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w97 4/1 p. 3-4
  • Bakit Kaya Napakasama ng Panahong Ito?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Bakit Kaya Napakasama ng Panahong Ito?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1997
  • Kaparehong Materyal
  • Tanong 3: Bakit Ako Hinahayaan ng Diyos na Magdusa?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2012
  • Bakit ang Mabubuting Tao ay Nagdurusa?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1992
  • Talaga Bang Minamahal Tayo ng Diyos?
    Talaga Bang Minamahal Tayo ng Diyos?
  • Ano ang Sinasabi ng Bibliya?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2017
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1997
w97 4/1 p. 3-4

Bakit Kaya Napakasama ng Panahong Ito?

KAPAG umupo ka upang magbasa ng pahayagan o manood ng balita sa TV o makinig sa pagsasahimpapawid ng balita sa radyo, masamang balita ang inaasahan mo, hindi ba? Malamang na hindi ka nagtatakang malaman na matindi pa rin ang isang nagaganap na digmaan, na palasak pa rin ang marahas na krimen, o na sinasaid ng isang taggutom ang lakas ng isang nagpapaunlad na lupain.

Kung malayo ang tinitirhan mo mula sa mga kaganapang ito, malamang na hindi ka laging labis na nababagabag sa gayong mga ulat. Tutal, sino ba naman ang may kakayahang dumamay sa lahat niyaong nagdurusang karamihan? Magkagayunman, napakahirap na manatiling di-naaantig kapag napaharap tayo sa paraan kung paano nakaaapekto ang pagdurusa sa bawat isa. Sa ibang pananalita, samantalang isang bagay ang makabasa tungkol sa isang digmaan at pag-isipan ang tungkol sa mga nasawi, ibang-iba naman ang makabasa tungkol sa munting si Adnan, isang siyam-na-taóng-gulang na batang lalaking taga-Bosnia na ang ina’y nasawi nang wasakin ng isang bomba ang kanilang tahanan. Ang ama naman ni Adnan ay napatay ng isang nakakubling tagabaril pagkaraan lamang ng ilang buwan habang magkasama silang naglalakad sa isang kalye. Pagkaraan lamang ng ilang linggo ay duguang namatay sa harap niya ang kaniyang kapatid na babae, na isang biktima ng bala ng kanyon na tumama sa bakuran ng paaralan. Nasumpungan ng mga doktor na gumamot sa trauma ni Adnan na ang bata ay natitigilan, anupat nawalan na ng pakiramdam​—kahit ng interes na makaalam. Sinisira ng takot at mga alaala ang mga oras na siya’y gising; ang kaniyang pagtulog naman ay punung-puno ng mga bangungot. Si Adnan ay hindi lamang isang estadistika. Siya ay isang batang nagdurusa; wala tayong magawang anuman kundi ang maawa sa kaniya.

Totoo rin naman ito tungkol sa iba pang masasamang kalagayan sa sanlibutan. Isang bagay ang makabasa tungkol sa taggutom; ibang-iba naman ang makakita ng larawan ng isang limang-taóng-gulang na batang babae na may malaking tiyan at patpating mga biyas, anupat isang halos naghihingalo nang biktima ng pagkagutom. Isang bagay ang makabasa tungkol sa dami ng krimen; ibang-iba naman ang makabalita tungkol sa isang matanda nang biyuda na walang-awang binugbog, pinagnakawan, at hinalay. Isang bagay ang makabasa tungkol sa pagguho ng pamilya; ibang-iba naman ang makaalam ng tungkol sa isang ina na sadyang gumutom at buong-kalupitang umabuso sa kaniyang sariling anak.

Masakit na makabasa ng tungkol sa gayong mga bagay. Ngunit lalo nang masakit kung isa sa mga pandaigdig na salot na ito ay tuwirang nagpapahirap sa atin! Kapag ikaw ay personal na dumaranas ng kasamaan, ang mas malaking larawan na inihaharap ng mga balita sa daigdig ay maaaring maging labis-labis. Nakapangingilabot na harapin ang katotohanan na ang pagdurusang bunga ng krimen, digmaan, taggutom, at sakit ay tumitindi sa antas na hindi pa nangyayari kailanman sa kasaysayan ng sangkatauhan. Ang mga epekto ng pagharap sa mga nagaganap sa ika-20 siglong ito ay talaga namang di-maubos-maisip​—ang kalituhan, takot, at panlulumo ay pangkaraniwan na lamang.

Naghahanap ng sagot ang mga tao buhat sa maraming relihiyon sa mga nakaliligalig na tanong tulad ng, Bakit kaya napakasama ng mga bagay-bagay? Saan patungo ang sangkatauhan?

Nakalulungkot, bihirang magbigay ng nakasisiyang sagot ang mga relihiyon sa ngayon. Nang una mong makita ang tanong sa pabalat ng magasing ito, baka tumugon ka nang may pag-aalinlangan​—isang reaksiyon na mauunawaan naman. Malimit sikapin ng mga relihiyong pundamentalista na ipakahulugan mula sa Bibliya ang hindi naman nito sinasabi​—ang mismong araw at oras ng katapusan ng sanlibutang ito. (Tingnan ang Mateo 24:36.) Minabuti ng mga tagapaglathala ng magasing ito na hayaang ang Bibliya ang magpaliwanag sa sarili nito. Baka mabigla kang malaman na ang pagtalakay ng Bibliya tungkol sa mga huling araw ay batay sa katotohanan at makatuwiran. At hindi lamang ipinaliliwanag ng Bibliya kung bakit napakasama ng mga bagay-bagay. Naglalaan din ito ng pag-asa para sa kinabukasan, isa na totoong nakaaaliw. Inaanyayahan ka naming isaalang-alang ang sumusunod na mga artikulo upang makita kung bakit nga gayon.

[Picture Credit Line sa pahina 3]

Jobard/Sipa Press

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share