Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w97 4/1 p. 30-31
  • Nasa Kagipitan ang Isang 403-Taóng Pagsasama

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Nasa Kagipitan ang Isang 403-Taóng Pagsasama
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1997
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1997
w97 4/1 p. 30-31

Nasa Kagipitan ang Isang 403-Taóng Pagsasama

SA Sweden, ang Simbahan at ang Estado ay mahigit na 400 taon nang may malapit na kaugnayan. Ngayon ay humihina na ang pagsasama ng relihiyon at ng pamahalaan.

Itinatag ang Lutheranismo bilang ang relihiyon ng Estado noong 1593, at lahat ng Sweko ay dapat na maging mga bautisadong miyembro. Pagkaraan ng mga taon, noong dekada ng 1850, isang pagbabago ang ginawa. Hindi na kahilingan para sa mga Sweko na maging bautisado; gayunpaman, itinuturing pa rin silang mga miyembro ng Simbahang Lutherano. Yamang gayon, kahilingan sa kanila na magbigay ng 1 porsiyento ng kanilang kita na pinapatawan ng buwis upang suportahan ang simbahan at bayaran ang ilang paglilingkod-bayan na isinasagawa ng simbahan. Di pa nagtatagal ay isa pang pagbabago ang naganap. Simula noong 1952, ipinahintulot ng batas na maaaring tumiwalag ang mga Sweko sa simbahan at sa gayo’y malibre buhat sa pagbabayad ng isang malaking bahagi ng buwis sa simbahan.

Nitong nakaraang mga taon ay patuloy na humina ang kontrol ng Simbahang Lutherano sa Sweden. Hindi ito maiiwasan, yamang 10 porsiyento ng mga naninirahan sa Sweden ay mga dayuhang hindi Lutherano, kasali na ang mga Judio, Katoliko, at mga Muslim. Kaya naman, sa pasimula ng 1996, 86 na porsiyento na lamang sa mga Sweko ang kabilang sa Simbahang Lutherano, at patuloy na bumababa ang bilang.

Ang lumalagong pagwawalang-bahala ay nagpapalaki ng agwat sa pagitan ng Simbahan at ng Estado. Idineklara na ngayon na hindi na kahilingan na ang hari ay isang Lutherano, at ang mga anak ng mga Lutheranong magulang ay hindi agad itinuturing bilang mga miyembro ng Simbahang Lutherano ng Estado. Isa pa, ayon sa The Dallas Morning News, pagsapit ng taóng 2000, “tatasahin at paghahatian ng mga lokal na parokya at ng estado ang malalaking halaga ng ari-arian. Dapat na bawasan ng simbahan ang taunang badyet nito na $1.68 bilyon, na ang kalakhang bahagi nito ay natitipon sa pamamagitan ng mga buwis.” Pagkaraan ng siglong ito, ang simbahan na ang hihirang ng sarili nitong mga obispo.

Samantalang ang Sangkakristiyanuhan ay sinasalot ng pagwawalang-bahala at ng pag-unti ng mga miyembro, ang mga Saksi ni Jehova sa Sweden ay patuloy na dumarami. Inuulat ng 1997 Yearbook of Jehovah’s Witnesses na may 24,487 mamamahayag ng Kaharian ng Diyos sa lupaing iyan, at halos 10 porsiyento ang nangangaral bilang buong-panahong mga ministrong payunir. Marami sa mga ito ang umaabot sa higit pang mga pribilehiyo sa paglilingkod. Halimbawa, sa mga pandistritong kombensiyon ng mga Saksi ni Jehova noong 1995, 20 mag-asawa ang nagsumite ng aplikasyon para magsanay bilang misyonero sa Watchtower Bible School of Gilead. Nang panahong iyon, mayroon nang mga 75 nagtapos na mga Sweko sa mga nakaraang klase na naglilingkod ngayon bilang mga misyonero sa iba’t ibang panig ng daigdig. Walang-alinlangan na ang kanilang mainam na halimbawa at nakapagpapatibay-loob na mga liham at pagdalaw ay nakapagpapasigla sa mga nagsasaalang-alang ngayon ng dakilang pribilehiyong ito.

Kaya, habang milyun-milyon sa Sangkakristiyanuhan ang nawawalan ng sigla, ang mga Saksi ni Jehova ay ‘humihiyaw nang may kagalakan dahil sa mabuting kondisyon ng puso.’​—Isaias 65:13, 14.

[Mapa sa pahina 30]

(Para sa aktuwal na format, tingnan ang publikasyon)

Sweden

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share