Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w97 5/1 p. 32
  • Pinapasan ang Pamatok ng Kabataan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pinapasan ang Pamatok ng Kabataan
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1997
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1997
w97 5/1 p. 32

Pinapasan ang Pamatok ng Kabataan

SA GANITONG “mga panahong mapanganib na mahirap pakitunguhan,” napapaharap ang mga kabataan sa matitinding panggigipit. (2 Timoteo 3:1) Araw-araw silang pinauulanan ng propaganda na nagpapasigla ng imoralidad, paninigarilyo, at iba pang uri ng nakapipinsalang paggawi. Maaaring tuyain yaong mga sumusunod sa mga pamantayan ng Bibliya dahil sa pagtangging makiayon sa karamihan, at maaaring madama ng ilang Kristiyano na mas madaling magpadaig.

Sa bandang katapusan ng ikapitong siglo B.C.E., sumulat si Jeremias: “Mabuti nga sa matipunong tao na magpasan ng pamatok sa kaniyang kabataan.” (Panaghoy 3:27) Ano ang ibig niyang sabihin? Na ang pagkatutong harapin ang mga pagsubok samantalang nasa kabataan ay nakatutulong sa paghahanda sa isa na harapin ang mga hamon ng pagiging nasa hustong gulang. Ang kahirapan, bagaman di-kasiya-siya, ay hindi maiiwasan kapuwa ng mga Kristiyanong kabataan at nasa hustong gulang. (2 Timoteo 3:12) Subalit ang mga pakinabang ng katapatan ay makapupong higit kaysa sa alinmang pansamantalang kaginhawahan na maidudulot ng pakikipagkompromiso.

Kung ikaw ay isang kabataan, matapat na harapin ang mga pagsubok sa pananampalataya. Kapag natutuksong makibahagi sa maling paggawi, tumangging makipagkompromiso. Bagaman sa kasalukuyan ay maaaring mahirap na gawin ito, sa katagalan, mababawasan ang iyong kabalisahan. Nangako si Jesus: “Pasanin ninyo ang aking pamatok . . . , at masusumpungan ninyo ang pagpapanariwa ng inyong mga kaluluwa. Sapagkat ang aking pamatok ay may kabaitan at ang aking pasan ay magaan.”​—Mateo 11:29, 30.

Tanggapin ang hamon ng pamumuhay ayon sa mga simulain ng Bibliya. Ang paggawa nang gayon ay magdudulot sa iyo ng pinakamainam na daan ng buhay ngayon at isang tiyak na pag-asa para sa hinaharap. Gaya ng sabi ng Bibliya, “ang sanlibutan ay lumilipas at gayundin ang pagnanasa nito, ngunit siya na gumagawa ng kalooban ng Diyos ay nananatili magpakailanman.”​—1 Juan 2:17.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share