Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w97 9/1 p. 32
  • Isang Ilawan Upang Akayin Ka sa Landas ng Buhay

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Isang Ilawan Upang Akayin Ka sa Landas ng Buhay
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1997
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1997
w97 9/1 p. 32

Isang Ilawan Upang Akayin Ka sa Landas ng Buhay

“TALASTAS ko, O Jehova, na hindi nauukol sa makalupang tao ang kaniyang lakad. Hindi para sa taong lumalakad ang kahit magtuwid ng kaniyang hakbang.” (Jeremias 10:23) Sa pamamagitan ng mga salitang ito ay ipinakita ni propeta Jeremias na hindi matagumpay na mapangangasiwaan ng mga tao ang landasin ng buhay nang walang tulong. Saan masusumpungan ang gayong tulong? Ganito ang tugon ng salmista sa kaniyang panalangin sa Diyos na Jehova: “Ang iyong salita ay ilawan sa aking paa, at tanglaw sa aking daan.”​—Awit 119:105.

Yaong nag-aaral ng Salita ng Diyos, ang Banal na Bibliya, at nagkakapit ng sinasabi nito ay matutulad sa isa na nagpasimulang maglakbay nang madaling-araw pa. Sa simula, hindi siya gaanong makakita dahil madilim pa. Subalit habang nagsisimula ang pagsikat ng araw, paliwanag nang paliwanag ang kaniyang nakikita. Sa bandang huli, ang sikat ng araw ay nakatapat na sa kaniya. Malinaw niyang nakikita ang lahat ng detalye. Ang gayong ilustrasyon ay nagpapaalaala sa isang kawikaan sa Bibliya: “Ang landas ng mga matuwid ay parang maningas na liwanag na sumisikat nang paliwanág nang paliwanág hanggang sa malubos ang araw.”​—Kawikaan 4:18.

Kumusta naman ang mga nagtatakwil sa patnubay ng Diyos? Ganito ang sabi ng Bibliya: “Ang daan ng mga balakyot ay tulad ng kadiliman; hindi nila nalalaman ang kanilang ikinatitisod.” (Kawikaan 4:19) Oo, ang balakyot ay katulad ng isang lalaki na natitisod sa dilim. Maging ang kanilang waring mga tagumpay ay pansamantala lamang, sapagkat “walang karunungan, ni anumang kaunawaan, ni anumang payo na laban kay Jehova.”​—Kawikaan 21:30.

Kaya, sundin ang patnubay ng Salita ng Diyos, ang Bibliya. Kung gagawin mo iyon, masusumpungan mong totoo ang mga salita sa Kawikaan 3:5, 6: “Magtiwala ka kay Jehova nang buong puso mo at huwag kang umasa sa iyong sariling unawa. Alalahanin mo siya sa lahat ng iyong daan, at siya mismo ang magtutuwid ng iyong mga landas.”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share