Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w97 12/15 p. 30
  • Natatandaan Mo Ba?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Natatandaan Mo Ba?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1997
  • Kaparehong Materyal
  • Isang Halimbawa ng Pagsasakripisyo-sa-Sarili at Pagkamatapat
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1997
  • ‘Patuloy Ninyong Malayang Patawarin ang Isa’t Isa’
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1997
  • Nakita ni Eliseo ang Maaapoy na Karo—Nakikita Mo Rin Ba?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2013
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2003
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1997
w97 12/15 p. 30

Natatandaan Mo Ba?

Pinahahalagahan mo ba ang pagbabasa ng kamakailang mga isyu ng Ang Bantayan? Buweno, tingnan kung masasagot mo ang sumusunod na tanong:

◻ Ano ang pangunahing layunin ng edukasyon para sa isang Kristiyanong kabataan?

Ang dapat na pangunahing layunin ng edukasyon ay upang masangkapan ang isang kabataan na maging isang mabisang ministro ni Jehova. At ang pinakamahalagang edukasyon upang maabot ang layuning ito ay ang espirituwal na edukasyon.​—8/15, pahina 21.

◻ Ano ang mga dahilan ng pagbibigay-alam sa matatanda ng malubhang pagkakasala ng isang kapuwa Kristiyano?

Ang isang dahilan sa pagbibigay-alam ng malubhang pagkakasala ay upang maingatan ang kalinisan ng kongregasyon. Ang isa pa ay dahil sa ang paggawa nito ay isang gawa ng may-simulaing pag-ibig Kristiyano na iniuukol sa Diyos, sa kongregasyon, at sa nagkasala.​—8/15, pahina 28, 30.

◻ Ano ang ibig sabihin ng “iniingatang malapit sa isipan ang pagkanaririto ng araw ni Jehova”? (2 Pedro 3:12)

Nangangahulugan ito na hindi natin ipinagpapaliban sa ating isipan ang “araw ni Jehova.” Hindi natin dapat kalimutan na malapit na ang araw ng pagpuksa ni Jehova sa sistemang ito ng mga bagay. Dapat na maging gayon na lamang ito katotoo sa atin anupat nakikita natin iyon nang malinaw, na parang nasa unahan lamang natin. (Zefanias 1:7, 14)​—9/1, pahina 19.

◻ Bakit nagpapatuloy nang mas matagal kaysa sa inaasahan ng marami ang mga huling araw ng balakyot na sistemang ito?

Isinasaalang-alang ni Jehova kung ano ang pinakamabuti para sa buong sangkatauhan. Mahalaga sa kaniya ang buhay ng mga tao. (Ezekiel 33:11) Makapagtitiwala tayo na darating ang wakas sa tamang panahon upang tuparin ang layunin ng ating marunong-sa-lahat at maibiging Maylalang.​—9/1, pahina 22.

◻ Paano mapananatili niyaong mga nasa buong-panahong paglilingkuran ang kanilang kagalakan sa kabila ng mga suliraning maaaring mapaharap sa kanila?

Dapat nilang bulay-bulayin ang maraming pagpapalang taglay nila at tantuin na libu-libong iba pa ang dumaranas ng mas matinding pagdurusa. (1 Pedro 5:6-9)​—9/15, pahina 24.

◻ Ano ang naging layunin ni William Tyndale sa pagsasalin ng Bibliya?

Ang layunin ni Tyndale ay upang maunawaan ng pangkaraniwang tao ang Kasulatan sa wika na wasto at simple hangga’t maaari.​—9/15, pahina 27.

◻ Paano natin maipakikita na tayo ay mga matapat na tagapagtaguyod ng Salita ng Diyos?

Ipinakikita natin ang ating pagkamatapat sa Salita ng Diyos sa pamamagitan ng masigasig na pangangaral nito sa iba. Bilang mga guro, dapat nating gamitin nang maingat ang Bibliya, na hindi kailanman pinipilipit o dinaragdagan ang sinasabi nito upang bumagay sa ating mga ideya. (2 Timoteo 2:15)​—10/1, pahina 20.

◻ Paano maaaring pahinain ng nakalalasong espiritu ng sanlibutan ang ating integridad?

Maaaring pahinain ng espiritu ng sanlibutan ang ating integridad sa pamamagitan ng pagpapadama sa atin na hindi tayo nasisiyahan sa taglay natin at nababalisa sa pag-una sa ating sariling pangangailangan at kapakanan sa halip na yaong sa Diyos. (Ihambing ang Mateo 16:21-23.)​—10/1, pahina 29.

◻ Ano ang kahulugan ng paglilingkod kay Jehova nang buong-kaluluwa?

Ang “kaluluwa” ay tumutukoy sa buong persona, pati na ang lahat ng pisikal at mental na kakayahan nito. Ang paglilingkod kay Jehova nang buong-kaluluwa ay nangangahulugan ng pagbibigay ng ating sarili, anupat ginagamit ang lahat ng ating kakayahan at itinutuon ang ating pagsisikap nang lubusan hangga’t maaari sa paglilingkod sa Diyos. (Marcos 12:29, 30)​—10/15, pahina 13.

◻ Ano ang susi sa pagiging isang taong may makadiyos na simulain?

Ang susi ay ang talagang makilala si Jehova, ang kaniyang mga ninanais, hindi ninanais, at ang kaniyang mga layunin. Kapag ang mga pangunahing bagay na ito may kaugnayan sa Diyos ang umuugit sa ating buhay, ang mga ito, sa katunayan, ay nagiging buháy na mga simulain. (Jeremias 22:16; Hebreo 4:12)​—10/15, pahina 29.

◻ Anong timbang na pangmalas sa pamamahala ng tao ang taglay ng mga lingkod ni Jehova?

Sila’y neutral sa pulitikal na mga bagay sapagkat naglilingkod sila bilang mga embahador o sugo ng Kaharian ng Diyos. (2 Corinto 5:20) Sa kabilang dako, sila’y maingat na nagpapasakop sa mga may awtoridad.​—11/1, pahina 17.

◻ Anong aral ang matututuhan natin sa naging landasin ni propeta Eliseo?

Nang anyayahan sa pantanging paglilingkuran kasama ni Elias, agad na iniwan ni Eliseo ang kaniyang bukid upang maglingkod kay Elias, bagaman ang ilan sa kaniyang mga tungkulin ay hamak. (2 Hari 3:11) Ang ilan sa mga ministro ng Diyos sa ngayon ay nagpamalas ng katulad na espiritu ng pagsasakripisyo-sa-sarili sa pamamagitan ng pag-iwan sa kanilang kabuhayan upang mangaral ng mabuting balita sa malalayong teritoryo.​—11/1, pahina 31.

◻ Anong kapaki-pakinabang na payo ang nilalaman ng liham ni Santiago?

Ipinakikita nito sa atin kung paano haharapin ang mga pagsubok, pinapayuhan tayo laban sa paboritismo, at hinihimok tayo na makibahagi sa matuwid na mga gawa. Hinihimok tayo ni Santiago na supilin ang dila, paglabanan ang makasanlibutang impluwensiya, at itaguyod ang kapayapaan. Makatutulong din sa atin ang kaniyang mga salita upang maging matiisin at mapanalanginin.​—11/15, pahina 24.

◻ Bakit “handang magpatawad” si Jehova? (Awit 86:5)

Handang magpatawad si Jehova sapagkat hindi niya kinalilimutan na tayo ay mula sa alabok, may mga pagkukulang, o mga kahinaan, bunga ng di-kasakdalan. (Awit 103:12-​14)​—12/1, pahina 10, 11.

◻ Bakit dapat na handa tayong magpatawad sa iba?

Kung tatanggi tayong magpatawad sa iba kung may saligan namang maawa, maaari nitong sirain ang ating sariling kaugnayan sa Diyos. (Mateo 6:14, 15)​—12/1, pahina 17.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share