Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w98 7/15 p. 32
  • Isang “Halimbawa ng Pagkakaisa at Kapatiran”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Isang “Halimbawa ng Pagkakaisa at Kapatiran”
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1998
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1998
w98 7/15 p. 32

Isang “Halimbawa ng Pagkakaisa at Kapatiran”

Ganiyan inilarawan ng isang babae ang pagkilos ng mga Saksi ni Jehova pagkatapos niyang dumanas ng nakapipighating pagkamatay ng isang miyembro ng pamilya. Sabi niya:

“Sa ngalan ng aking pamilya, nais kong pasalamatan ang mga Saksi sa Italyanong kongregasyon sa Freiburg, Alemanya. Maliban sa aking kapatid na si Antonio at sa kaniyang asawa, si Anna, hindi mga Saksi ni Jehova ang aking pamilya. Matagal na naming pinipintasan ang napili nilang relihiyon, gayunman ay iginagalang namin ito sa tuwina.

“Subalit, nagbago na ngayon ang aming isipan. Sa katunayan, naranasan namin ang isang halimbawa ng kapatiran at pag-ibig na hindi namin kailanman inasahan.

“Nakalulungkot nga lang, si Anna ay namatay nang wala sa panahon sa isang aksidente sa daan. Yamang nakatira kami sa Italya, limitado lamang ang naibigay naming alalay sa aming kapatid na si Antonio at sa kaniyang mga anak. Ngunit tinulungan siya ng kaniyang mga kapatid na Saksi. Tinulungan nila siya sa pamamagitan ng kanilang pagkanaroroon, ng kanilang mga salita, ng kanilang pananampalataya, ng kanilang pisikal, moral, at pangkabuhayang alalay. Yamang hindi ko mapasasalamatan nang personal ang kongregasyon, nais kong pasalamatan sila sa pamamagitan ng inyong magasin dahil sa kanilang halimbawa ng pagkakaisa at kapatiran na hinding-hindi namin malilimutan.”

Pinasasalamatan ang may-kabaitang mga komento ng babaing ito. Gaya ng nakita niya, ang mga Saksi ni Jehova ay isang internasyonal na kapatiran. (1 Pedro 2:17) Nililinang nila ang matitibay na tali ng pagmamahal sa gitna nila sa pagkaalam na ang pag-ibig “ay isang sakdal na bigkis ng pagkakaisa.” (Colosas 3:14) Kahit sa pinakakalunus-lunos na mga kalagayan, na maaaring mangyari sa ating lahat, ang mga Saksi ni Jehova ay nananatiling malapit sa Diyos at sa kaniyang bayan.​—Kawikaan 18:24; Eclesiastes 9:11; Juan 13:34, 35.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share