Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w99 1/1 p. 32
  • “Tumataas na Gaya ng Isang Sedro sa Lebanon”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Tumataas na Gaya ng Isang Sedro sa Lebanon”
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1999
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1999
w99 1/1 p. 32

“Tumataas na Gaya ng Isang Sedro sa Lebanon”

ANG naggagandahang bundok ng Lebanon ay tinutubuan ng mga punungkahoy na kilala sa tawag na Arz Ar-rab, na nangangahulugang “mga Sedro ng Panginoon.” Ang napakagagandang punungkahoy na ito, na minsa’y bumalot sa mga bundok, ay binabanggit sa Bibliya nang mga 70 ulit​—kaysa sa ibang punungkahoy.

Upang ilarawan ang magagarbong sedro ng Lebanon, ginagamit ng Kasulatan ang mga salitang “pili” at “maringal.” (Awit ni Solomon 5:15; Ezekiel 17:23) Ang laki ng sedro at ang tibay ng kahoy nito ang dahilan kung kaya noon pa ma’y popular na ito kung ang pag-uusapan ay ang paggawa ng mga bahay at barko gayundin ang paggawa ng mga muwebles. Ang bango at matingkad-na-pulang kulay ng kahoy ay totoong nakabibighani, at palibhasa’y napakadagta nito kung kaya hindi ito basta nabubulok at hindi rin inaanay. Kapansin-pansin ang taas at laki ng mga punungkahoy, anupat tumataas ito hanggang 37 metro at ang pinakakatawan ay umaabot naman hanggang 12 metro, at ang mga ugat nito ay malalim at matibay. Hindi nga kataka-takang ilarawan ito ng mga katiwala ng kagubatan bilang “ang pinakakorona sa daigdig ng mga halaman”!

Makahulang inilarawan ng manunulat ng Bibliya na si Ezekiel ang Mesiyas sa isang maliit na sanga ng sedro, na itinanim mismo ng Diyos noon. (Ezekiel 17:22) Sa katunayan, ang salitang Hebreo para sa “sedro” ay galing sa isang ugat na nangangahulugang “maging matatag.” Sa ngayon, ang mga tagasunod ng Mesiyas, si Jesu-Kristo, ay kinakailangan ding maging “matatag sa pananampalataya, . . . magpakalakas,” gaya ng isang mataas at matibay na sedro. (1 Corinto 16:13) Paano ito maisasagawa? Sa pamamagitan ng matatag na pakikipaglaban sa mga di-makakristiyanong impluwensiya at matibay na pagbabata sa landas ng katapatan at makadiyos na debosyon. Yaong mga gumagawa nito ay inilarawan sa Bibliya bilang “ang mga matuwid . . . [na] tumataas na gaya ng isang sedro sa Lebanon.”​—Awit 92:12, The New English Bible.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share