Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w99 2/1 p. 24
  • Isang Malayo at Maliit na Isla

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Isang Malayo at Maliit na Isla
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1999
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1999
w99 2/1 p. 24

Isang Malayo at Maliit na Isla

ANG mga pang-uri na malimit gamitin upang ilarawan ang isla ng St. Helena ay “malayo” at “maliit.” Angkop naman ito, sapagkat ang islang ito, na labimpitong kilometro ang haba at sampung kilometro ang lapad, ay 1,950 kilometro mula sa pinakamalapit na lupain, ang timog-kanlurang baybayin ng Aprika. Dito ipinadala si Napoléon Bonaparte noong 1815 upang gugulin ang kaniyang huling mga taon bilang isang ipinatapong talunan.

Mula sa karagatan, ang isla ay parang isang mahirap pasuking tanggulan. Sa katunayan isa itong patay na bulkan na umahong matarik mula sa Atlantiko na ang mga dalisdis ay umaabot ng 500 hanggang 700 metro ang taas. Sa gitna nito, ang Mt. Actaeon, sa taas na 818 metro, ang nangingibabaw sa buong isla. Dahil sa malamig na hanging sabalás sa Timog Atlantiko at agos ng karagatan, ang isla ay karaniwan nang may katamtaman at kaiga-igayang klima. Subalit mula sa kahabaan ng baybaying-dagat sa ibaba hanggang sa bulubunduking interyor, may iba’t ibang lagay ng panahon at pananim.

Ang St. Helena ay pag-aari ng Britanya mula pa noong dakong huli ng ika-17 siglo. Ang maliit na populasyon ng mga 5,000 ay pinagsamang mga tao mula sa Europa, Asia, at Aprika. Ingles ang ginagamit sa buong isla, subalit ito’y binibigkas na may natatanging punto. Walang paliparan dito; ang tanging koneksiyon sa daigdig sa labas ay sa pamamagitan ng barko, na may regular na biyahe tungo sa Timog Aprika at Inglatera. Sa katunayan, nagkaroon lamang ng brodkast sa telebisyon noong kalagitnaan ng dekada ng 1990, dahil sa isang satellite hookup.

Noong mga unang taon ng dekada ng 1930, ang mabuting balita ng Kaharian ng Diyos ay nakarating sa mga baybayin nito sa kauna-unahang pagkakataon. (Mateo 24:14) Sa nakalipas na mga taon, maraming tagaisla ang nanghawakan sa kayamanang ito na nagpawalang-halaga sa materyal na mga kayamanan. (Mateo 6:19, 20) Sa ngayon, tinatamasa ng St. Helena ang karangalan ng pagkakaroon ng katumbasan ng Saksi-sa-populasyon na 1 sa 31, ang pinakamainam sa buong daigdig!

[Mga mapa sa pahina 24]

(Para sa aktuwal na format, tingnan ang publikasyon)

St. Helena

JAMESTOWN

Levelwood

APRIKA

KARAGATANG ATLANTIKO

St. Helena

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share