Isang Araw na Dapat Alalahanin
Noong gabi bago siya mamatay, ipinasa ni Jesus ang isang tinapay na walang pampaalsa at isang kopa ng alak sa kaniyang mga apostol at sinabihan silang kumain at uminom. Sinabi rin niya sa kanila: “Patuloy ninyong gawin ito sa pag-alaala sa akin.”—Lucas 22:19.
Sa taóng ito, ang anibersaryo ng pangyayaring ito ay pumatak sa Huwebes, Abril 1, pagkalubog ng araw. Ang mga Saksi ni Jehova sa buong daigdig ay magtitipon sa pantanging gabing ito upang ipagdiwang ang Memoryal na ito sa paraan na iniutos ni Jesus. Ikaw ay malugod na inaanyayahang makisama sa amin. Pakisuyong makipag-alam sa mga Saksi ni Jehova sa inyong lugar para sa eksaktong oras at dako ng pantanging pulong na ito.