Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w99 5/1 p. 32
  • Tagumpay Laban sa Masama

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Tagumpay Laban sa Masama
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1999
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1999
w99 5/1 p. 32

Tagumpay Laban sa Masama

“BAKIT isinusumpa ng patay na asong ito ang panginoon kong hari? Pakisuyo, hayaan mong pumaroon ako at tagpasin ang kaniyang ulo.” Ang kahilingang ito ay mula kay Abisai, isang Israelitang pinuno ng hukbo. Iyon ang pagalit niyang sagot nang marinig niyang ang kaniyang panginoon, si Haring David, ay nilalait ng isang Benjamitang nagngangalang Shimei.​—2 Samuel 16:5-9.

Sinusunod ni Abisai ang isang pilosopiyang itinataguyod sa ngayon​—ang simulaing gantihan ng masama ang masama. Oo, nais ni Abisai na pagdusahan ni Shimei ang mga pang-iinsultong ibinunton niya kay David.

Subalit, ano ang naging reaksiyon ni David? Pinigilan ni David si Abisai, sa pagsasabing: “Pabayaan mo siya.” Bagaman hindi totoo ang mga paratang ni Shimei, buong-pagpapakumbabang pinaglabanan ni David ang tukso na maghiganti. Sa halip, ipinaubaya niya sa mga kamay ni Jehova ang bagay na iyon.​—2 Samuel 16:10-​13.

Nang magbalik si David sa trono matapos takasan ang nabigong pag-aalsa ng kaniyang anak, kabilang sa mga unang sumalubong sa kaniya at humingi ng tawad ay si Shimei. Muling hinangad ni Abisai na patayin siya, ngunit hindi na naman ito ipinahintulot ni David.​—2 Samuel 19:15-​23.

Sa pagkakataong ito, si David ay napatunayang isang angkop na larawan ni Jesu-Kristo, na tungkol sa kaniya’y sumulat si apostol Pedro: “Nang siya ay laitin, hindi siya nanlait bilang ganti . . . kundi patuloy na ipinagkatiwala ang kaniyang sarili sa isa na humahatol nang matuwid.”​—1 Pedro 2:23.

Sa ngayon, ang mga Kristiyano ay pinaaalalahanan na maging “mapagpakumbaba sa pag-iisip, na hindi nagbabayad ng pinsala sa pinsala.” (1 Pedro 3:8, 9) Sa pagsunod sa landasing ipinamalas ni David at ni Jesu-Kristo, magagawa rin nating “patuloy na daigin ng mabuti ang masama.”​—Roma 12:17-21.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share