Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w99 10/15 p. 32
  • “Matatag na Paninindigan Dahil sa Pananampalataya”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Matatag na Paninindigan Dahil sa Pananampalataya”
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1999
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1999
w99 10/15 p. 32

“Matatag na Paninindigan Dahil sa Pananampalataya”

NOONG 1998 inilabas, sa gitna ng maraming papuri ng kritiko, ang isang bagong aklat sa Pranses na pinamagatang Les Témoins de Jéhovah face à Hitler (Ang mga Saksi ni Jehova sa Harap ni Hitler), na isinulat ni Guy Canonici. Sa kaniyang pambungad sa aklat, ang lubhang iginagalang na istoryador na Pranses na si François Bédarida ay sumulat: “Buong lugod na tinatanggap ang aklat na ito. Hindi lamang dahil sa pinupunan nito ang kakulangan, kundi dahil sa napapanahon ito. . . . Bukod sa mga dalubhasa, sino ba ang nakaaalam sa hirap na sinapit ng mga Saksi ni Jehova sa ilalim ng Third Reich? Gayunman, sa buong 12 taon ng rehimen, dumanas sila ng pag-uusig na walang humpay ang kalupitan at karahasan. Naranasan din nila ang kakilabutan ng mga kampong piitan. Malaki ring halaga ang ibinuwis nila dahil sa kanilang pananampalataya at mga pananalig. Bakit nakalimutan ng kasaysayan ang mga Kristiyanong ito? . . .

“Bakit nagkaroon ng gayong kalupit at sistematikong pag-uusig sa isang maliit, nakapangalat, at di-mapanganib na relihiyon? Ito ang mahalagang tanong ng kabalintunaan. Ang mga Saksi ni Jehova sa Alemanya ay hindi lamang kumakatawan sa isang napakaliit na minorya ng populasyon​—ipinakikita ng estadistika na sila ay mga 20,000 sa kabuuang bilang ng mahigit na 60 milyong mamamayan​—kundi sila’y pawang mapapayapang mamamayan na gumagalang sa batas at hindi nagsasapanganib sa sinuman, na nagnanais lamang magtrabaho at palakihin nang wasto ang kanilang mga anak. . . .

“Ang pag-uusig na ito ay napaharap sa di-natitinag at matagumpay na espirituwal na pakikipagpunyagi ng mga mananampalataya na kayang labanan ang puwersa ng panlabas na mga panggigipit sa pamamagitan ng panloob na puwersa ng kanilang pananampalataya kay Jesu-Kristo, mula sa pisikal na karahasan ng pulisya ng Estado​—hanggang sa kabayanihan o pagiging martir.”

Ang kasaysayan ng mga Saksi ni Jehova na nagdusa bilang mga martir dahil sa kanilang pananampalatayang Kristiyano sa harap ng kawalang-pagpaparaya ng relihiyon ay makapangyarihan. Sa pagsusuri sa aklat, isang nangungunang Pranses na pahayagang Katoliko, ang La Croix, ang madamdaming nagsabi: “Sa kanilang di-gaanong alam na kasaysayan, nakatipon si Guy Canonici ng maraming ebidensiya na nagpapangyari sa isa na di-makapagsalita kapag nakikita ang matatag na paninindigan dahil sa pananampalataya na ipinahahayag sa pinakapayak na mga salita, pananampalataya na hanggang sa wakas ay hindi natitinag maging sa mga bata man. Ang paggunitang ito ay dapat maglaan ng mahalagang impormasyon sa kasalukuyang debate hinggil sa Kristiyanong katangian ng mga Saksi ni Jehova.”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share