Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w99 11/15 p. 3
  • Matutulungan ba Tayo ng Bibliya sa Ngayon?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Matutulungan ba Tayo ng Bibliya sa Ngayon?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1999
  • Kaparehong Materyal
  • Isang Aklat na Ipinagwawalang-Bahala ng Karamihan sa mga Kabataan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2001
  • Makinabang sa Araw-araw na Pagbabasa ng Bibliya
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1995
  • Bakit Babasahin ang Bibliya?
    Ang Bibliya—Salita ng Diyos o ng Tao?
  • Paano Ka Mas Makikinabang sa Pagbabasa ng Bibliya?
    Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1999
w99 11/15 p. 3

Matutulungan ba Tayo ng Bibliya sa Ngayon?

“SA KABUUAN ng Bibliya, mga 1 porsiyento lamang ang kapaki-pakinabang basahin, ngunit ang iba pa ay wala nang kabuluhan at lipas na sa panahon.” Iyan ang sinabi ng isang kabataang lalaki. Marami ang sasang-ayon sa kaniya. Bagaman nananatili ang Bibliya na pinakamabiling aklat sa buong daigdig, milyun-milyon ang nagbibigay ng di-sapat na pansin dito at hindi sila pamilyar sa mga turo nito.

Sa 1996 na Pamaskong edisyon nito, ang pahayagang Aleman na Süddeutsche Zeitung ay nagkomento na ang Bibliya ay “may paunti nang paunting mambabasa. Sa kapanahunan ng likas na siyensiya at tumitinding sekularisasyon, ang mga salaysay ng Bibliya ay nagiging kakaiba at mahirap unawain para sa marami.” Pinatutunayan ng mga surbey ang ulat na ito. Isinisiwalat ng ilang pag-aaral na malaking bilang ng mga bata ang hindi man lamang nakaaalam kung sino talaga si Jesus. Sa isang surbey, wala pang kalahati sa mga taong kinapanayam ang nakapagsalaysay ng mga kuwento mula sa Bibliya tungkol sa alibughang anak at sa mapagkawanggawang Samaritano.

Ang publikasyon ng Swiss Evangelical Church na Reformiertes Forum ay nagsabi na sa Switzerland ang pangangailangan sa Bibliya ay hindi na tulad ng dati. Maging sa mga may kopya ng Bibliya, kadalasan lamang itong naaalikabukan sa mga istante. Ganito rin ang kalagayan sa Britanya. Ayon sa isang surbey, bagaman karamihan ng mga tao ay may Bibliya, ang kalakhang bilang ay halos hindi man lamang bumabasa nito.

Sa kabilang dako, iba naman ang nadarama ng milyun-milyon sa buong daigdig hinggil sa Bibliya. Minamalas nila ito bilang Salita ng Diyos at itinuturing itong mahalaga at kapaki-pakinabang. Kaya naman, binabasa nila ito nang palagian. Sumulat ang isang kabataang babae: “Pinagsisikapan kong basahin ang isa o dalawang kabanata ng Bibliya bawat araw. Wiling-wili ako rito.” Ang gayong mga indibiduwal ay buong-ingat na nagsasaalang-alang kung ano ang itinuturo ng Bibliya, at nagsisikap silang ikapit ang payo nito sa kanilang buhay. Naniniwala sila na matutulungan sila ng Bibliya sa magulong daigdig sa ngayon.

Ano ang iyong opinyon? Wala nga bang kabuluhan ang Bibliya sa modernong panahon? O ito ba’y mahalaga at kapaki-pakinabang? Matutulungan ba tayo ng Bibliya sa ngayon?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share