Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w99 11/15 p. 32
  • “Ang Aking Pagdalaw sa Kingdom Hall”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Ang Aking Pagdalaw sa Kingdom Hall”
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1999
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1999
w99 11/15 p. 32

“Ang Aking Pagdalaw sa Kingdom Hall”

Si Laura,a isang mag-aaral sa kolehiyo, ay inatasan na dumalo sa isang relihiyosong serbisyo at sumulat ng isang report hinggil sa kaniyang karanasan. Pinili niya ang mga Saksi ni Jehova, at kaniyang pinamagatan ang kaniyang sanaysay na “Ang Aking Pagdalaw sa Kingdom Hall.” Ano ang nakitang kaibahan ni Laura sa mga Saksi? Kabilang sa maraming bagay na kaniyang binanggit ay ang mga sumusunod.

Ang mga bata: “Ang lahat ng mga bata ay nasa iisang silid na gaya ng matatanda. Sa lahat ng mga simbahang aking dinaluhan, humihiwalay ang mga bata sa kanilang mga magulang at dumadalo sa Sunday School.”

Pagkakaisa ng mga lahi: “Kadalasan, ang mga simbahan ay nanghihikayat na sumapi rito ang mga miyembro ng isang partikular na lahi o etnikong grupo. . . . Gayunman, ang mga Saksi ni Jehova ay nauupo nang magkakasama at hindi naggugrupu-grupo.”

Isang espiritung mapagpatuloy: “Maraming tao ang lumapit at nakipag-usap sa akin. . . . Ang ilan pa nga ay nagtanong kung ako ba’y nakikipag-aral ng Bibliya sa kaninuman. Ngunit hindi ko naramdamang pinipilit nila ako. Kanilang . . . hinayaan na ako ang magpasiya.”

Walang koleksiyon: “Ang isang bagay na talagang nakagulat sa akin ay ang bagay na walang kumukuha ng abuloy. . . . Ang mga simbahang aking pinuntahan ay kumukuha ng abuloy maging sa mga klase ng mga bata.”

May halos 90,000 kongregasyon ang mga Saksi ni Jehova sa buong daigdig. Bakit hindi dalawin ang isang pinakamalapit sa inyo?

[Talababa]

a Pinalitan ang pangalan.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share