Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w00 4/1 p. 32
  • Isang Pantanging Okasyon—Naroroon Ka Ba?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Isang Pantanging Okasyon—Naroroon Ka Ba?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2000
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2000
w00 4/1 p. 32

Isang Pantanging Okasyon​—Naroroon Ka Ba?

SA DI-MALILIMOT na araw na iyon mahigit nang 3,500 taon ang nakalipas, ipinag-utos ng Diyos na Jehova na ang bawat sambahayan ng inaliping mga Israelita sa Ehipto ay pumatay ng isang tupa o isang kambing at iwisik ang dugo nito sa mga poste ng pinto at mga hamba ng kanilang mga bahay. Nang gabing iyon, nilampasan ng anghel ng Diyos ang mga bahay na may tanda nito subalit pinatay ang mga panganay na anak sa mga tahanan ng lahat ng mga Ehipsiyo. Pagkatapos ang mga Israelita ay pinalaya. Sa anibersaryo ng pangyayaring iyon, ipinagdiwang ng mga Judio ang Paskuwa.

Karaka-raka nang matapos ipagdiwang ni Jesu-Kristo ang kaniyang huling Paskuwa na kasama ng kaniyang mga apostol, pinasimulan niya ang isang hapunan na magpapagunita sa kaniyang sakripisyong kamatayan. Inabot niya sa kaniyang mga apostol ang tinapay na walang lebadura at sinabi: “Kumuha kayo, kainin ninyo. Ito ay nangangahulugan ng aking katawan.” Pagkatapos ay ibinigay niya sa kanila ang isang kopa ng alak at sinabi: “Uminom kayo mula rito, kayong lahat; sapagkat ito ay nangangahulugan ng aking ‘dugo ng tipan,’ na siyang ibubuhos alang-alang sa marami para sa kapatawaran ng mga kasalanan.” Sinabi rin ni Jesus: “Patuloy ninyong gawin ito sa pag-alaala sa akin.” (Mateo 26:26-28; Lucas 22:19, 20) Kaya inutusan ni Jesus ang kaniyang mga tagasunod na ipagdiwang ang pag-alaalang ito sa kaniyang kamatayan.

Sa taóng ito ang anibersaryo ng kamatayan ni Jesus ay papatak sa Miyerkules, Abril 19, paglubog ng araw. Ang mga Saksi ni Jehova sa buong daigdig ay magtitipon sa pantanging gabing ito upang ipagdiwang ang Memoryal na ito sa paraan na hiniling ni Jesus. Kayo ay malugod na inaanyayahan na makisama sa amin bilang mga tagamasid. Pakisuyong alamin sa mga Saksi ni Jehova sa inyong lugar ang eksaktong oras at dako ng pulong.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share