Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w00 6/1 p. 32
  • Pananatiling Tapat kay Jehova

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pananatiling Tapat kay Jehova
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2000
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2000
w00 6/1 p. 32

Pananatiling Tapat kay Jehova

BAGAMAN hindi karaniwan sa ngayon, ang katapatan ay isang katangian na pagkakakilanlan sa mga lingkod ng tunay na Diyos, si Jehova. Ang taong tapat ay nananatiling matatag sa pagsubok at di-natitinag sa kabila nang paglipas ng panahon. Isaalang-alang ang mabuting si Haring Hezekias. “Pagkatapos niya ay walang sinumang naging tulad niya sa gitna ng lahat ng hari ng Juda, maging yaong mga nauna pa sa kaniya,” ang sabi ng Bibliya. Ano ang nagpaging-iba kay Hezekias? “Patuloy siyang nananatili kay Jehova,” kahit na siya ay napalilibutan ng mga mananamba ng huwad na diyos na si Molech. Oo, “hindi lumihis [si Hezekias] mula sa pagsunod [kay Jehova], kundi patuloy niyang tinupad ang kaniyang mga utos.”​—2 Hari 18:1-6.

Si apostol Pablo ay isa pang tao na nanatiling tapat kay Jehova. Ang rekord ng kaniyang ministeryo na masusumpungan sa Kristiyanong Griegong Kasulatan ay buong-husay na nagpapatotoo sa pagiging patuluyan ni Pablo sa pagbibigay ng buong-kaluluwang paglilingkuran sa Diyos. Sa pagtatapos ng kaniyang buhay sa lupa, maaari nang sabihin ni Pablo hinggil sa kaniyang sarili: “Naipaglaban ko na ang mainam na pakikipaglaban, natakbo ko na ang takbuhin hanggang sa katapusan, natupad ko na ang pananampalataya.”​—2 Timoteo 4:7.

Anong inam na mga halimbawa ng katapatan mayroon tayo kina Hezekias at Pablo! Nawa’y matularan natin ang kanilang pananampalataya sa pamamagitan ng pananatiling tapat sa ating Dakilang Diyos, si Jehova.​—Hebreo 13:7.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share