Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w00 6/15 p. 32
  • Sino ba ang Magwawakas sa Karahasan?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Sino ba ang Magwawakas sa Karahasan?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2000
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2000
w00 6/15 p. 32

Sino ba ang Magwawakas sa Karahasan?

NOONG Setyembre 1999, malugod na tinanggap ng Kalihim-Panlahat ng Nagkakaisang Bansa na si Kofi Annan ang mga delegado sa ika-54 na taunang sesyon ng Pangkalahatang Kapulungan. Gaya ng napaulat sa The Toronto Star, nagbigay siya ng hamon sa mga pinuno ng daigdig, na sinasabing: “Maraming tao ang nangangailangan ng higit pa kaysa sa mga salita ng pakikiramay mula sa internasyonal na komunidad. Kailangan nila ng tunay at namamalaging pangako na tulungang wakasan ang kanilang mga siklo ng karahasan, at tulungan silang magpasimula ng isang ligtas na paglalakbay sa kasaganaan.”

Mailalaan ba ng UN at ng mga bansang kasapi nito ang “tunay at namamalaging pangako” na kailangan upang wakasan ang karahasan? Sinipi rin sa ulat na iyon ng Star, sinabi ng pangulo ng Estados Unidos na si Bill Clinton: “Pagkatapos ng lahat ng pagdanak ng dugo sa siglong ito, alam natin na madaling sabihing ‘hindi na mauulit,’ ngunit napakahirap na pangyarihin ito.” Sinabi pa niya: “Ang pangangako nang labis-labis ay kasinlupit ng pagmamalasakit nang kaunti.”

Mahigit na 2,500 taon na ang nakalilipas, ganito ang sinabi ni propeta Jeremias tungkol sa mga pagsisikap ng tao: “Nalalaman kong lubos, O Jehova, na ang lakad ng makalupang tao ay hindi sa kaniya. Hindi sa taong lumalakad ang magtuwid man lamang ng kaniyang hakbang.” (Jeremias 10:23) Anong pag-asa, kung gayon, ang mayroon para sa pagwawakas ng karahasan?

Gaya ng mababasa natin sa Isaias 60:18, ibinigay ng Diyos ang katiyakan: “Ang karahasan ay hindi na maririnig pa sa iyong lupain, ang pananamsam o ang kagibaan sa loob ng iyong mga hangganan.” Ang hulang iyan ay nagkaroon ng unang katuparan noong papanumbalikin ng Diyos ang kaniyang itinapong bayan sa kanilang sariling lupain. Ito’y mayroon ding mas malaking katuparan na maaari nating tamasahin. Ang Diyos na Jehova ay hindi “nangangako nang labis-labis.” Bilang ang Kataas-taasan at ang Maylalang ng sangkatauhan, siya ay nasa pinakamahusay na katayuan upang wakasan ang “mga siklo ng karahasan.” Sa ilalim ng Kaharian ng Diyos, mananaig ang kapayapaan. Mawawala na ang karahasan magpakailanman!​—Daniel 2:44.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share