Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w00 7/1 p. 32
  • Bakit Dapat Maging Mapagpatawad?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Bakit Dapat Maging Mapagpatawad?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2000
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2000
w00 7/1 p. 32

Bakit Dapat Maging Mapagpatawad?

“NAGLUNSAD ang mga siyentipiko ng pagsasaliksik na nagsimula nang magpakita na ang pagpapatawad ay tiyak na makapagpapabuti sa emosyonal​—at, malamang, sa pisikal​—na kalusugan,” ang ulat ng The Toronto Star ng Canada. Gayunman, sinabi ni Propesor Carl Thoresen ng Stanford University, E.U.A., punong mananaliksik para sa Stanford Forgiveness Project, na “napakakaunting mga tao ang nakauunawa kung ano ang pagpapatawad at kung paano ito gumagana.”

Ang tunay na pagpapatawad ay itinuturing na isang mahalagang aspekto ng Kristiyanismo. Binigyang katuturan ito ng ulat ng The Toronto Star bilang “pagkilala na ikaw ay nagawan ng mali, pagsasaisang-tabi sa lahat ng naidulot na hinanakit, at sa kalaunan ay pagtugon sa nagkasalang tao taglay ang pagkamadamayin at pag-ibig pa nga.” Ito’y iba sa pangungunsinti, pagdadahilan, paglimot, o pagkakaila sa isang pagkakasala; ni nangangahulugan man ito na ilalagay mong muli ang iyong sarili sa isang mapang-abusong kalagayan. Sinasabi ng ulat na ang susi sa tunay na pagpapatawad ay “pagwawaksi sa galit at negatibong damdamin.”

Sinasabi ng mga mananaliksik na kailangan pa ang higit na pag-aaral sa pisikal na mga kapakinabangan ng pagpapatawad. Gayunman, iniuulat nila ang mga kapakinabangang sikolohikal, kabilang na ang “mas kaunting kaigtingan, kabalisahan at panlulumo.”

Ang isang marangal na dahilan sa pagiging mapagpatawad ay ipinahahayag sa Efeso 4:32, na nagsasabi: “Maging mabait kayo sa isa’t isa, madamayin sa magiliw na paraan, malayang nagpapatawaran sa isa’t isa kung paanong ang Diyos sa pamamagitan ni Kristo ay malayang nagpatawad din sa inyo.” Kung tungkol sa pagpapatawad, gaya ng sa iba pang mga bagay, tayo ay hinihimok na maging mga tagatulad sa Diyos.​—Efeso 5:1.

Ang pagtangging magpatawad sa iba kung may batayan para sa awa ay lubhang makaaapekto sa ating sariling kaugnayan sa Diyos. Inaasahan ni Jehova na magpapatawaran tayo sa isa’t isa. Pagkatapos ay makapananalangin tayo na patatawarin niya tayo.​—Mateo 6:14; Marcos 11:25; 1 Juan 4:11.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share