Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w03 5/15 p. 32
  • Piliin ang Buhay na Walang Hanggan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Piliin ang Buhay na Walang Hanggan
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2003
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2003
w03 5/15 p. 32

Piliin ang Buhay na Walang Hanggan

NGAYON lamang napaharap ang mga tao sa napakaraming pagpili. Halimbawa, karaniwan nang pinipili natin kung anong damit ang ating isusuot, kung anong pagkain ang ating kakainin, at kung saan tayo magtatrabaho at titira. Sa maraming lugar sa daigdig, ang pagpili ng mapapangasawa ay isa ring kaugalian. Gayunman, ang Bibliya ay naghaharap ng isang pagpili na nakahihigit sa lahat ng mapagpipilian​—isa na bukás sa buong sangkatauhan.

Ang sabi ng Bibliya: “Ang matatag na naninindigan sa katuwiran ay nakahanay sa buhay, ngunit ang humahabol sa kasamaan ay nakahanay sa sarili niyang kamatayan.” (Kawikaan 11:19) At nagpahayag si Jesu-Kristo: “Ito ay nangangahulugan ng buhay na walang hanggan, ang kanilang pagkuha ng kaalaman tungkol sa iyo, ang tanging tunay na Diyos, at sa isa na iyong isinugo, si Jesu-Kristo.”​—Juan 17:3.

Oo, binigyan tayo ng ating Maylalang ng pagkakataong piliin ang isang landasing aakay sa buhay na walang hanggan! Ano ang dapat nating gawin upang matamo ang buhay na walang hanggan?

Ayon sa Bibliya, “sa landas ng katuwiran ay may buhay.” (Kawikaan 12:28) Maaari tayong mapabilang sa mga matuwid na nasa daang patungo sa buhay na walang hanggan. Paano? Sa pagtiyak na ang ating buhay ay naaayon sa kalooban ng Diyos at sa kaniyang mga utos. (Mateo 7:13, 14) Kung gayon, gumawa sana tayo ng tamang pagpili at tumanggap ng kaloob ng Diyos na buhay na walang hanggan.​—Roma 6:23.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share