Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w03 7/15 p. 3
  • Talaga Bang Kailangan Natin ang Iba?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Talaga Bang Kailangan Natin ang Iba?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2003
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Tumitinding Problema ng Kalungkutan—Ang Sinasabi ng Bibliya
    Iba Pang Paksa
  • Nalipos ng Nakalilitong mga Damdamin
    Gumising!—2001
  • Positibo Kahit Nag-iisa—Paano?
    Iba Pang Paksa
  • Ang Pambihirang Taon ni Einstein
    Gumising!—2005
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2003
w03 7/15 p. 3

Talaga Bang Kailangan Natin ang Iba?

“KAPAG sinuri natin ang ating buhay at mga pagsisikap, agad nating mapapansin na ang lahat halos ng ating mga pagkilos at pagnanais ay nauugnay sa pag-iral ng ibang tao,” ang sabi ng kilalang siyentipiko na si Albert Einstein. Sinabi pa niya: “Kinakain natin ang pagkaing inihanda ng iba, isinusuot natin ang mga damit na gawa ng iba, naninirahan tayo sa mga bahay na itinayo ng iba. . . . Ang indibiduwal ay kung ano siya at ang halaga niya ay hindi dahil sa kung ano ang kaniyang sariling katangian, kundi bilang isang miyembro ng malaking pamayanan ng tao, na umuugit sa kaniyang pisikal at espirituwal na pag-iral mula sa duyan hanggang sa libingan.”

Sa daigdig ng mga hayop, karaniwan nang napapansin ang likas na pakikipagsamahan. Ang mga elepante ay gumagala nang pangkat-pangkat, anupat maingat na binabantayan ang maliliit na elepante. Ang mga babaing leon ay magkakasamang nanghuhuli ng makakain at ibinabahagi ang kanilang pagkain sa mga lalaking leon. Ang mga lumbalumba ay naglalarong magkakasama at ipinagsasanggalang pa nga ang ibang mga hayop o ang mga lumalangoy na nangangailangan ng tulong.

Gayunman, napansin ng mga siyentipikong panlipunan ang isang hilig ng mga tao na lubhang nakababahala. Ayon sa isang pahayagang inilathala sa Mexico, inaakala ng ilang siyentipikong panlipunan na ang “mga dekada ng pagbukod ng sarili at ang pagguho ng buhay sa pamayanan ay lubhang nakapinsala sa lipunan ng Estados Unidos.” Binanggit ng pahayagan na “ang kapakanan ng bansa ay nakasalalay sa lubusang pagbabago sa lipunan, na nangangahulugan ng pagbalik sa buhay bilang isang pamayanan.”

Lalo nang lumaganap ang problemang ito sa mga nakatira sa mauunlad na bansa. May mabilis na lumalagong hilig ang marami na ibukod ang kanilang sarili. Ibig ng mga tao ang ‘pagsasarili’ at mahigpit na tinututulan ang ‘pakikialam ng iba sa kanilang buhay.’ Ipinalalagay na ang saloobing ito ang umakay sa lipunan ng tao sa higit na pagkakaroon ng problema sa emosyon, depresyon, at pagpapatiwakal.

May kinalaman dito, sinabi ni Dr. Daniel Goleman: “Dinodoble ng pagbubukod ng sarili sa lipunan​—ang ideya na ang isa ay walang sinumang mapaghihingahan ng kaniyang niloloob o makakasama​—ang posibilidad na magkasakit o mamatay.” Ipinalagay ng isang report na inilathala sa babasahing Science na ang ‘dami ng namamatay dahil sa pagbubukod ng sarili sa lipunan ay kasindami ng namamatay dahil sa paninigarilyo, alta presyon, pagtaas ng kolesterol, sobrang katabaan, at kakulangan ng pisikal na ehersisyo.’

Kaya, batay sa sari-saring kadahilanan, talagang kailangan natin ang iba. Hindi tayo maaaring mabuhay nang mag-isa. Kaya paano malulutas ang problema ng pagbubukod ng sarili? Ano ang nagbigay ng tunay na kabuluhan sa buhay ng marami? Tatalakayin ng susunod na artikulo ang mga tanong na ito.

[Blurb sa pahina 3]

“Ang lahat halos ng ating mga pagkilos at pagnanais ay nauugnay sa pag-iral ng ibang tao.”​—Albert Einstein

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share