Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w04 7/15 p. 32
  • “Upang Ipakilala ang Pangalan ni Jehova”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Upang Ipakilala ang Pangalan ni Jehova”
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2004
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2004
w04 7/15 p. 32

“Upang Ipakilala ang Pangalan ni Jehova”

SA BUONG daigdig, pinahahalagahan ang mga magasing Ang Bantayan at Gumising! dahil sa espirituwal na nilalaman at nakapagtuturo ito. Masasalamin ito sa sumusunod na liham kamakailan mula sa isang mambabasa sa Pransiya:

“Ako po’y isang kabataang babae, dating mula sa Aprika, na may mababang pinag-aralan. Hindi pa natatagalan, nagsimula akong magbasa ng inyong mga magasin. Palibhasa’y naakit sa mga paksa nito, natuklasan ko ang kahalagahan ng pagbabasa. Dahil sa inyong mga magasin, napasulong ko ang aking bokabularyo at nakasusulat na ako ng liham na may mas kakaunting pagkakamali.

“Humahanga po ako sa paglalathala ninyo ng mga artikulo tungkol sa lahat ng bagay na may kaugnayan sa mga tao, sa lupa, at sa Maylalang. Napakadaling unawain ng mga artikulo anupat ginagawa nitong masugid na mambabasa ang isang tao. Walang sinuman ang may kakayahang turuan nang sabay-sabay ang lahat ng uri ng tao.

“Namamangha rin po akong makita na ang lahat ng ito ay hindi ginagawa para sa komersiyal na pakinabang kundi tangi lamang upang ipakilala ang pangalan ni Jehova. Alam ko na taglay ninyo ang kaniyang pagsang-ayon, at pinasasalamatan ko kayo. Pakisuyong patuloy kayong kumuha ng lakas mula sa Maylalang upang magturo.”

Ang mga Saksi ni Jehova ay kasalukuyang nagsasagawa ng kanilang gawaing pagtuturo sa Bibliya sa 235 lupain. Ang Bantayan ay inilalathala sa 148 wika at ang Gumising! sa 87. Hindi inilimbag ang mga magasing ito upang purihin ang sinumang tao. Ang salig-Bibliyang payo at pinakabagong impormasyong masusumpungan dito ay dinisenyo upang parangalan ang Maylalang, na nagsasabi: “Ako, si Jehova, . . . ang Isa na nagtuturo sa iyo upang makinabang ka.” (Isaias 48:17) Makinabang ka nawa sa pamamagitan ng regular na pagbabasa ng Banal na Kasulatan kasama ng mga pantulong na ito sa pag-aaral ng Bibliya.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share