Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w05 3/15 p. 32
  • Isang Okasyon na Dapat Alalahanin

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Isang Okasyon na Dapat Alalahanin
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2005
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2005
w05 3/15 p. 32

Isang Okasyon na Dapat Alalahanin

ANONG okasyon ito? Ito ay ang kamatayan ng isang tao halos 2,000 taon na ang nakalilipas. “Ibinibigay ko ang aking kaluluwa, upang tanggapin ko itong muli,” ang sabi niya. “Walang tao ang kumuha nito sa akin, kundi ibinibigay ko ito sa sarili kong pagkukusa.” (Juan 10:17, 18) Ang taong iyon ay si Jesu-Kristo.

Tinagubilinan ni Jesus ang kaniyang mga tagasunod na alalahanin ang Memoryal ng kaniyang sakripisyong kamatayan. Ang okasyong ito ay tinatawag din na “hapunan ng Panginoon.” (1 Corinto 11:20) Ang Memoryal na pinasimulan ni Jesus upang alalahanin ang kaniyang kamatayan ay ipagdiriwang ng mga Saksi ni Jehova at ng kanilang mga kaibigan sa Huwebes, Marso 24, 2005, pagkalubog ng araw.

Isang salig-Bibliyang pahayag ang magpapaliwanag sa kahulugan ng tinapay na walang lebadura at pulang alak na gagamitin sa okasyon. (Mateo 26:26-28) Sasagutin din ng pahayag ang mga tanong na gaya nito: Gaano ba kadalas dapat alalahanin ng mga Kristiyano ang okasyong ito? Sino ang karapat-dapat makibahagi sa emblemang tinapay at alak? Sinu-sino ang makikinabang sa kamatayan ni Jesus? Ang mahalagang pagdiriwang na ito ay makatutulong sa lahat na pahalagahan ang layunin ng buhay at kamatayan ni Jesus.

Malugod kayong tatanggapin sa Memoryal ng kamatayan ni Jesus. Pakisuyong makipag-ugnayan sa mga Saksi ni Jehova sa inyong lugar para sa eksaktong dako at oras ng pagpupulong.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share