Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w06 6/1 p. 32
  • “Hiyas ng Buong Galilea”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Hiyas ng Buong Galilea”
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2006
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2006
w06 6/1 p. 32

“Hiyas ng Buong Galilea”

MAHIGIT na anim na kilometro lamang sa hilagang-kanluran ng Nazaret, ang bayang kinalakhan ni Jesus, may isang lunsod doon na hindi kailanman binanggit sa Ebanghelyo. Gayunman, tinawag itong “hiyas ng buong Galilea” ng kilalang Judiong istoryador noong unang siglo na si Flavius Josephus. Ito ang lunsod ng Sepphoris. Ano ba ang alam natin tungkol sa lunsod na ito?

Pagkamatay ni Herodes na Dakila, malamang noong 1 B.C.E., naghimagsik ang mga mamamayan ng Sepphoris laban sa Roma na humantong sa pagkawasak ng kanilang lunsod. Minana ng anak ni Herodes na si Antipas ang Galilea at Perea at pinili ang nawasak na Sepphoris bilang lokasyon ng kaniyang bagong kabisera. Muling itinayo ang lunsod ayon sa istilo ng Griego-Romanong arkitektura, subalit ang kalakhang bahagi ng populasyon nito ay mga Judio. Ayon kay Propesor Richard A. Batey, ito ang naging “sentro ng pamahalaan na sumasakop sa Galilea at Perea,” hanggang sa itayo ni Antipas ang Tiberias noong mga 21 C.E. upang ipalit sa Sepphoris bilang kabisera nito. Nang panahong iyon, naninirahan si Jesus malapit sa lunsod na iyan.

Naniniwala si Propesor James Strange, gumawa ng paghuhukay sa Sepphoris, na ang lunsod ay nagkaroon noon ng mga artsibo, isang ingatang-yaman, isang taguan ng mga armas, mga bangko, mga gusaling pampubliko, at mga pamilihang mabibilhan ng mga seramiks, salamin, kasangkapang metal, alahas, at sari-saring pagkain. May mga manghahabi at negosyante ng tela at mga tindahan ng basket, muwebles, pabango, at mga katulad nito. Ang populasyon noon ay tinatayang nasa mga 8,000 hanggang 12,000.

Dinalaw kaya ni Jesus ang abalang metropolis na ito, na isang oras na lakarín mula sa Nazaret? Walang ibinigay na sagot ang Ebanghelyo. Gayunman, sinabi ng The Anchor Bible Dictionary na “ang isang magandang daan mula sa Nazaret patungong Cana ng Galilea ay sa Sepphoris.” (Juan 2:1; 4:46) Mula sa Nazaret, matatanaw ang burol ng Sepphoris, na halos 120 metro ang taas mula sa pinakasahig ng libis. May mga naniniwalang nang ibigay ni Jesus ang ilustrasyong “ang isang lunsod ay hindi maitatago kapag nakatayo sa ibabaw ng bundok,” malamang na ang lunsod na ito ang tinutukoy niya.​—Mateo 5:14.

Pagbagsak ng Jerusalem noong 70 C.E., ang Sepphoris ay naging pangunahing lunsod ng mga Judio sa Galilea at nang maglaon ay naging lugar ng Sanedrin, ang mataas na hukuman ng mga Judio. Sa loob ng ilang panahon, umunlad ito bilang sentro ng edukasyon para sa mga Judio.

[Mapa/Larawan sa pahina 32]

(Para sa aktuwal na format, tingnan ang publikasyon)

Dagat ng Galilea

GALILEA

Cana

Tiberias

SEPPHORIS

Nazaret

PEREA

[Picture Credit Line sa pahina 32]

Mga palayok: Excavated by Wohl Archaeological Museum, Herodian Quarter, Jewish Quarter. Owned by Company for the Reconstruction of the Jewish Quarter in the Old City of Jerusalem, Ltd

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share