Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w07 1/15 p. 31
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2007
  • Kaparehong Materyal
  • Siya Ba’y Mabuting Halimbawa sa Iyo o Isang Babala?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2011
  • Isang Matalinong Hari
    Ang Bibliya—Ano ang Mensahe Nito?
  • “Ang Buong Katungkulan ng Tao”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1997
  • Aklat ng Bibliya Bilang 21—Eclesiastes
    “Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang”
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2007
w07 1/15 p. 31

Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa

Sa anong diwa nakasumpong ang tagapagtipon ng “isang lalaki sa isang libo” subalit hindi ng “isang babae sa lahat ng mga ito”?​—Eclesiastes 7:28.

Upang maunawaan nang wasto ang kinasihang mga salitang ito, dapat muna nating maunawaan kung ano ang pangmalas ng Diyos sa mga babae. Tinawag ng Bibliya si Ruth, ang manugang na babae ng balong si Noemi, na “isang mahusay na babae.” (Ruth 3:11) Ayon sa Kawikaan 31:10, ang mabuting asawang babae ay “malayong higit kaysa sa mga korales.” Kung gayon, ano ang ibig sabihin ni Haring Solomon ng sinaunang Israel nang sabihin niya: “Isang lalaki sa isang libo ang nasumpungan ko, ngunit ang isang babae sa lahat ng mga ito ay hindi ko nasumpungan”?

Ipinakikita ng konteksto na malamang na mababa ang mga pamantayang moral ng kababaihan noong panahon ni Solomon. (Eclesiastes 7:26) Malaki ang posibilidad na resulta ito ng impluwensiya ng mga babaing banyaga na sumasamba kay Baal. Maging si Haring Solomon ay nadala sa impluwensiya ng kaniyang maraming asawang banyaga. “Nagkaroon siya ng pitong daang asawa, mga prinsesa, at tatlong daang babae,” ang sabi ng Bibliya, “at sa kalaunan ay ikiniling ng kaniyang mga asawa ang kaniyang puso” na sumamba sa huwad na mga diyos. (1 Hari 11:1-4) Mababa rin ang mga pamantayang moral ng mga kalalakihan​—bihirang makasumpong ng isang lalaking matuwid sa isang libo, halos wala pa nga. “Ito lamang ang nasumpungan ko,” ang konklusyon ni Solomon, “na ginawang matuwid ng tunay na Diyos ang mga tao, ngunit sila sa ganang sarili ay humanap ng maraming plano.” (Eclesiastes 7:29) Ito ay konklusyon tungkol sa sangkatauhan​—sa tao sa pangkalahatan, hindi sa lalaki kung ihahambing sa babae. Kaya ang pananalita sa Eclesiastes 7:28 ay dapat ituring na komento hinggil sa pangkalahatang kalagayan ng moralidad ng mga tao noong panahon ni Solomon.

Gayunman, may iba pang posibleng kahulugan ang talatang ito. Maaaring makahula rin ito, yamang wala pang sinumang babae na nakapag-ukol kay Jehova ng sakdal na pagkamasunurin. Subalit may isang lalaki na nakagawa nito​—si Jesu-Kristo.​—Roma 5:15-17.

[Larawan sa pahina 31]

“Isang lalaki sa isang libo”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share