Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w07 12/15 p. 3-4
  • Pagpapakita ng Habag sa Isang Malupit na Daigdig

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagpapakita ng Habag sa Isang Malupit na Daigdig
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2007
  • Kaparehong Materyal
  • Tularan ang Pagkamahabagin ni Jehova
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2017
  • “Matinding Habag ng Ating Diyos”
    Maging Malapít kay Jehova
  • Maging “Mahabagin na May Paggiliw”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2007
  • Maging Magiliw at Madamayin
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1994
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2007
w07 12/15 p. 3-4

Pagpapakita ng Habag sa Isang Malupit na Daigdig

MALUBHA ang kalagayan ng isang lalaki sa Burundi dahil sa malarya. Dapat na siyang isugod sa ospital. Pero paano? Wala silang sasakyan. Sumaklolo ang dalawa sa kaniyang matatalik na kaibigan. Isinakay nila siya sa bisikleta at hirap na hirap na itinulak nang limang oras sa matatarik na daan. Saka nila siya inilipat sa bus na magdadala sa kaniya sa pinakamalapit na ospital. Pagkalipas ng ilang araw, bumuti na ang kaniyang kondisyon.

Sa kabilang panig naman ng daigdig, pagkatapos ng pagsalanta ng Bagyong Katrina sa gawing Gulpo ng Estados Unidos noong Agosto 2005, isang grupo ng mga boluntaryo ang nakakita ng isang bahay na nabagsakan ng mga punungkahoy. Kahit hindi kilala ng mga boluntaryo ang may-ari ng bahay, ginugol nila ang buong maghapon sa pag-aalis ng bumagsak na mga punungkahoy at iba pang mga bagay gamit ang mga lagaring de-motor. “Hindi ko malaman kung paano ko pasasalamatan ang mga [taong] ito,” ang sabi ng may-ari ng bahay.

Palagi nang laman ng balita ang kasindak-sindak na mga ulat tungkol sa krimen at kalupitan. Kadalasan nang natatabunan ng mga ito ang pagkamahabagin at kabaitang ipinakikita araw-araw. Pero hindi nito binabago ang katotohanan na kailangang-kailangan pa rin ng mga tao ang pag-ibig, pagmamalasakit, at pagdamay. Sabik tayo sa habag! Lalo na itong nadarama kung Pasko, kapag marami ang bumabanggit o umaawit tungkol sa ‘kapayapaan at kabutihang-loob sa mga tao.’​—Lucas 2:14.

Maaari ngang hindi madaling magpakita ng habag sa isang daigdig na ang karamihan ay parang walang pakialam sa kapuwa. Marami ang nag-iisip na magtatagumpay ka kung ikaw ay manhid at malupit. Waring marami ang naniniwala sa prinsipyong mas mabuting maging malupit kaysa maging mahabagin. Dahil sa kasakiman at pagkamakasarili, hindi madaling magpakita ng habag.

Bunga nito, inuuna ng marami ang kanilang sarili nang hindi iniisip ang damdamin o kapakanan ng iba. Madalas na itinatanghal ang mga lalaking sikat sa isports at sa libangan bilang “tunay na mga lalaki” (mga macho) na hindi nagpapakita ng magiliw na pagmamahal. Ganito rin ang paggawi ng ilang pulitiko.

Kaya makabubuting tanungin natin ang ating sarili: Bakit tayo dapat maging madamayin? May maganda bang maidudulot ang habag? Ano ang makatutulong sa atin para makapagpakita ng habag? Tatalakayin sa susunod na artikulo ang mga tanong na ito.

[Kahon sa pahina 3]

• Isang kahinaan ba ang magpakita ng habag?

• May maganda bang maidudulot ang habag?

• Sa anu-anong praktikal na paraan mo maipakikita ang pagdamay?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share