Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w10 11/1 p. 3
  • Posible Bang Maging Kontento?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Posible Bang Maging Kontento?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2010
  • Kaparehong Materyal
  • Natutuhan Mo Na Ba ang “Sekreto Kung Paano Maging Kontento”?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2025
  • Magkaroon ng Kasiyahan sa Pamamagitan ng Pagkakapit ng mga Simulain sa Bibliya
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2006
  • Paano Ka Magkakaroon ng Timbang na Pangmalas sa Salapi?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2001
  • Piliing Mabuti ang Iyong mga Kaibigan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2010
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2010
w10 11/1 p. 3

Posible Bang Maging Kontento?

“Ang pagiging kontento ay nagpapayaman sa mahihirap; ang pagiging di-kontento ay nagpapahirap sa mayayaman.”​—Benjamin Franklin.

KAAYON ng kasabihang iyan, napatunayan ng marami na ang pagiging kontento ay hindi nabibili. Hindi nga kataka-takang napakahirap maging kontento sa isang daigdig kung saan ang mga tao ay naghahangad ng higit na pag-aari o parangal, o ng buhay na tinatamasa ng iba. Naaapektuhan ka ba ng alinman sa sumusunod?

• Napakaraming advertisement ang humihikayat sa iyo na bumili nang bumili para maging kontento.

• Dahil sa kompetisyon sa trabaho o sa paaralan, nauudyukan kang sukatin ang iyong halaga batay sa nagagawa ng iba.

• Hindi pinahahalagahan ng mga tao ang mga ginagawa mo para sa kanila.

• Iniinggit ka ng mga kaibigan mo sa mga tinataglay nila.

• Hindi nasasagot ang mahahalagang tanong mo sa buhay.

Sa harap ng gayong mga hamon, posible nga bang maging kontento? May binanggit si apostol Pablo na “lihim kung paano masiyahan,” o makontento. Kung minsan ay sagana siya, minsan naman ay kapos. Hinangaan siya ng kaniyang mga kaibigan pero hinamak naman ng iba. Gayunman, sinabi niya: “Natutuhan ko nang masiyahan anuman ang aking kalagayan.”​—Amin ang italiko; Filipos 4:11, 12, Ang Biblia​—Bagong Salin sa Pilipino.

Hindi malalaman ng mga tao kung paano maging kontento kung hindi sila magsisikap na makamit ito. Pero gaya ng sinabi ni Pablo, maaari itong matutuhan. Inaanyayahan ka namin ngayon na alamin ang limang sekreto sa pagiging kontento na nasa Salita ng Diyos, ang Bibliya.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share