Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w11 12/1 p. 10
  • Magugunaw ba ang Lupa sa 2012?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Magugunaw ba ang Lupa sa 2012?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2011
  • Kaparehong Materyal
  • Magugunaw Ba ang Mundo?
    Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
  • Lupa
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
  • Magugunaw Kaya ang Lupa?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2008
  • Tuluyan Na Bang Sisirain ng Tao ang Lupa?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2014
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2011
w11 12/1 p. 10

Tanong ng mga Mambabasa

Magugunaw ba ang Lupa sa 2012?

▪ “Isang nayon sa Pransiya ang dinagsa ng mga taong naniniwala sa apocalipsis . . . Naniniwala silang magugunaw ang mundo sa Disyembre 21, 2012, ang katapusan ng 5,125 taon sa sinaunang kalendaryo ng mga Maya.”​—BBC News.

Sa kabila ng mga prediksiyon ng mga lider ng relihiyon, mga pseudoscientist, at iba pang ika-21-siglong manghuhula, ang lupa ay hindi talaga magugunaw sa 2012. Oo, ang planetang Lupa ay mananatili hindi lang sa taóng iyon kundi sa darating pang mga taon.

Sinasabi ng Bibliya: “Isang salinlahi ang yumayaon, at isang salinlahi ang dumarating; ngunit ang lupa ay nananatili maging hanggang sa panahong walang takda.” (Eclesiastes 1:4) Pansinin din ang sinasabi sa Isaias 45:18: “Sapagkat ito ang sinabi ni Jehova, . . . na Tagapag-anyo ng lupa at Maylikha nito, Siya na nagtatag nito nang matibay, na hindi niya nilalang na walang kabuluhan, na nag-anyo nito upang tahanan: ‘Ako ay si Jehova, at wala nang iba pa.’”

Magpapakahirap ba ang isang mapagmahal na ama na igawa ang kaniyang anak na lalaki ng kotse-kotsehan o ang kaniyang anak na babae ng isang bahay-bahayan, at pagkatapos ay sisirain lang niya ito pagkabigay sa anak? Tiyak na hindi! Sa gayunding paraan, nilikha ng Diyos ang lupa pangunahin nang para masiyahan ang kaniyang mga nilalang na tao. Sinabi ng Diyos kina Adan at Eva: “Magpalaanakin kayo at magpakarami at punuin ninyo ang lupa at supilin iyon.” Pagkatapos, “nakita ng Diyos ang bawat bagay na ginawa niya at, narito! iyon ay napakabuti.” (Genesis 1:27, 28, 31) Hindi pa rin nagbabago ang layunin ng Diyos para sa lupa; hindi niya pahihintulutang mawasak ito. Tungkol sa lahat ng kaniyang ipinangako, mariing sinabi ni Jehova: “Hindi ito babalik sa akin nang walang resulta, kundi gagawin nga nito yaong kinalulugdan ko, at ito ay tiyak na magtatagumpay sa bagay na pinagsuguan ko nito.”​—Isaias 55:11.

Magkagayunman, kalooban ni Jehova na “ipahamak yaong mga nagpapahamak sa lupa.” (Apocalipsis 11:18) Ipinangako niya: “Ang mga matuwid ang siyang tatahan sa lupa, at ang mga walang kapintasan ang siyang maiiwan dito. Kung tungkol sa mga balakyot, lilipulin sila mula sa mismong lupa; at kung tungkol sa mga mapandaya, bubunutin sila mula rito.”​—Kawikaan 2:21, 22.

Kailan ito mangyayari? Walang sinumang tao ang nakaaalam. “May kinalaman sa araw na iyon o sa oras ay walang sinuman ang nakaaalam,” ang sabi ni Jesus, “kahit ang mga anghel sa langit kahit ang Anak, kundi ang Ama.” (Marcos 13:32) Hindi tinatangkang hulaan ng mga Saksi ni Jehova kung kailan lilipulin ng Diyos ang mga balakyot o masasama. Bagaman alisto sila sa “tanda” ng kawakasan at naniniwalang tayo ay nabubuhay sa binabanggit ng Bibliya na “mga huling araw,” hindi nila alam kung kailan eksaktong darating “ang wakas.” (Marcos 13:4-8, 33; 2 Timoteo 3:1) Ang bagay na ito ay ipinauubaya nila sa kanilang makalangit na Ama at sa kaniyang Anak.

Samantala, abala ang mga Saksi ni Jehova sa pangangaral ng mabuting balita ng Kaharian ng Diyos, ang gobyerno sa langit na mamamahala sa lupa. Gagawin nitong isang mapayapang paraiso ang lupa na ‘aariin ng mga matuwid at tatahanan magpakailanman.’​—Awit 37:29.

[Picture Credit Line sa pahina 10]

Image Science and Analysis Laboratory, NASA-Johnson Space Center

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share