Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w12 5/15 p. 22
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2012
  • Kaparehong Materyal
  • Ano ang Ibig Sabihin sa Iyo ng Tapat na Pag-ibig ni Jehova?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2021
  • Si Jehova ay Sagana sa Matapat na Pag-ibig
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2004
  • Ipakita ang Katapatan
    Umawit Nang Masaya kay Jehova
  • Manatiling Matapat
    Umawit kay Jehova
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2012
w12 5/15 p. 22

Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa

Sa anong diwa “mahalaga sa paningin ni Jehova ang kamatayan ng kaniyang mga matapat”?

▪ Inawit ng isang kinasihang salmista: “Mahalaga sa paningin ni Jehova ang kamatayan ng kaniyang mga matapat.” (Awit 116:15) Napakahalaga kay Jehova ang buhay ng bawat mananamba niya. Pero hindi kamatayan ng iisang indibiduwal lang ang tinutukoy ng mga salitang ito sa Awit 116.

Kapag nagbibigay ng pahayag para sa isang namatay na Kristiyano, hindi angkop na ikapit sa kaniya ang Awit 116:15, kahit namatay siyang tapat kay Jehova. Bakit? Dahil mas malawak ang pagkakapit ng mga salita ng salmista. Nangangahulugan ito na ang kamatayan, o pagkalipol, ng buong grupo ng mga matapat kay Jehova ay napakalaking kawalan sa Kaniya anupat hindi niya ito pahihintulutang mangyari.​—Tingnan ang Awit 72:14; 116:8.

Tinitiyak sa atin ng Awit 116:15 na hindi hahayaan ni Jehova na malipol sa lupa ang kaniyang tapat na mga lingkod bilang isang grupo. Sa katunayan, ipinakikita ng ating makabagong-panahong kasaysayan na nakapagbata tayo ng mga pagsubok at pag-uusig​—isang malinaw na katibayan na hindi pahihintulutan ng Diyos na malipol tayo.

Dahil sa walang-hanggang kapangyarihan at di-nabibigong layunin ni Jehova, hindi niya tayo pahihintulutang malipol bilang isang grupo. Kung pahihintulutan ito ng Diyos, lilitaw na mas makapangyarihan ang kaniyang mga kaaway kaysa sa kaniya​—imposible! Hindi matutupad ang layunin ni Jehova na ang lupang ito ay panirahan ng mga taong tapat sa kaniya​—imposible rin iyan. (Isa. 45:18; 55:10, 11) Aba, kung malilipol ang mga taong sumasamba sa kaniya sa makalupang looban ng kaniyang dakilang espirituwal na templo, matitigil ang pag-uukol ng sagradong paglilingkod kay Jehova dito sa lupa! Walang bubuo sa “bagong lupa”​—ang matuwid na lipunan ng tao na mabubuhay sa lupa sa ilalim ng “bagong langit.” (Apoc. 21:1) Bukod diyan, hindi magkakatotoo ang Sanlibong Taóng Paghahari ni Kristo kung wala siyang magiging mga sakop sa lupa.​—Apoc. 20:4, 5.

Makukuwestiyon ang posisyon at reputasyon ng Diyos kung pahihintulutan niyang lipulin ng kaniyang mga kaaway ang lahat ng kaniyang lingkod sa lupa. Magiging kasiraan ito sa posisyon ni Jehova bilang Soberano ng Sansinukob. Bukod diyan, dahil sa paggalang niya sa kaniyang sarili at sa kaniyang banal na pangalan, hindi ipahihintulot ni Jehova na malipol ang mga matapat sa kaniya bilang isang grupo. Pag-isipan din ito: Yamang “walang masusumpungang kawalang-katarungan” sa Diyos, tiyak na ililigtas niya ang grupo ng mga taong naglilingkod nang tapat sa kaniya. (Deut. 32:4; Gen. 18:25) Karagdagan pa, kung pahihintulutan niyang malipol ang kaniyang mga lingkod bilang isang grupo, magiging salungat ito sa sinasabi ng Bibliya: “Hindi pababayaan ni Jehova ang kaniyang bayan alang-alang sa kaniyang dakilang pangalan.” (1 Sam. 12:22) Oo, “hindi pababayaan ni Jehova ang kaniyang bayan, ni iiwan man niya ang kaniyang sariling mana.”​—Awit 94:14.

Nakaaaliw malaman na hindi malilipol sa lupa ang bayan ni Jehova! Lagi nawa tayong maging matapat sa Diyos, anupat nagtitiwala sa kaniyang pangako: “Anumang sandata na aanyuan laban sa iyo ay hindi magtatagumpay, at alinmang dila na gagalaw laban sa iyo sa paghatol ay hahatulan mo. Ito ang minanang pag-aari ng mga lingkod ni Jehova, at ang kanilang katuwiran ay mula sa akin.”​—Isa. 54:17.

[Blurb sa pahina 22]

Hindi pahihintulutan ng Diyos na malipol ang kaniyang bayan

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share