Talaan ng mga Nilalaman
LINGGO NG HUNYO 27, 2016–HULYO 3, 2016
3 Makipag-ayos Salig sa Pag-ibig
Dahil sa ating minanang di-kasakdalan, tiyak na mapapaharap tayo sa mga sitwasyon na magdudulot ng samaan ng loob. Ipinakikita ng artikulong ito kung paano ikakapit ang mga simulain ng Bibliya para makipag-ayos sa iba.
LINGGO NG HULYO 4-10, 2016
8 “Humayo Kayo at Gumawa ng mga Alagad sa mga Tao ng Lahat ng mga Bansa”
Tinatalakay ng artikulong ito ang mga katibayang nagpapakita na mga Saksi ni Jehova lang ang tumutupad sa hula ni Jesus na nasa Mateo 24:14. Ipinaliliwanag din nito kung ano ang sangkot sa pagiging “mangingisda ng mga tao.”—Mat. 4:19.
LINGGO NG HULYO 11-17, 2016
13 Paano Ka Gumagawa ng Personal na mga Desisyon?
Kapag gumagawa ng personal na mga desisyon, ginagawa mo na lang ba kung ano ang sa pakiramdam mo ay tama? O tinatanong mo ang iba kung ano ang gagawin nila? Ipinaliliwanag ng artikulong ito na makagagawa tayo ng pinakamahuhusay na desisyon kapag nagpapagabay tayo sa kaisipan ng Diyos na Jehova.
LINGGO NG HULYO 18-24, 2016
18 Patuloy Bang Binabago ng Bibliya ang Iyong Buhay?
Mas nahihirapan ka bang pahusayin ang iyong mga katangiang Kristiyano ngayon kaysa sa malalaking pagbabagong ginawa mo bago magpabautismo? Ipinaliliwanag ng artikulong ito kung bakit mahirap itong gawin at kung paano natin patuloy na malilinang ang makadiyos na mga katangian sa tulong ng Salita ng Diyos.
LINGGO NG HULYO 25-31, 2016
23 Makinabang Nang Lubos sa mga Paglalaan ni Jehova
Ipinakikita ng artikulong ito ang isang panganib na puwedeng maging dahilan para hindi tayo makinabang sa ilang espirituwal na paglalaan. Tatalakayin natin kung paano maiiwasan ang panganib na iyan, at kung paano tayo makikinabang sa lahat ng espirituwal na pagkaing inilalaan sa atin.