Talaan ng mga Nilalaman
LINGGO NG DISYEMBRE 25-31, 2017
Para sa bayan ni Jehova, ang pag-awit ay mahalagang bahagi ng pagsamba. Pero baka may ilan na naiilang kumanta sa harap ng iba. Paano natin madaraig ang takot na gamitin ang ating boses para umawit ng mga papuri kay Jehova? Tatalakayin ng artikulong ito ang magagandang dahilan para umawit tayo nang masaya at ang ilang mungkahi para mapasulong ang ating pagkanta.
LINGGO NG ENERO 1-7, 2018
8 Nanganganlong Ka Ba kay Jehova?
LINGGO NG ENERO 8-14, 2018
13 Tularan ang Katarungan at Awa ni Jehova
May mahahalagang aral tayong matututuhan mula sa kaayusan ng mga kanlungang lunsod sa sinaunang Israel. Sa unang artikulo, tingnan kung paano magiging kanlungan ng mga nagkasala si Jehova sa ngayon. Sa ikalawang artikulo, tingnan kung paano tayo tinutulungan ng halimbawa ni Jehova na patawarin ang iba, igalang ang buhay, at maging makatarungan.
18 Ang Taong Bukas-Palad ay Pagpapalain
LINGGO NG ENERO 15-21, 2018
20 Tanggihan ang Makasanlibutang Kaisipan
LINGGO NG ENERO 22-28, 2018
25 Huwag Hayaang Mapagkaitan Ka ng Gantimpala
Ang dalawang artikulong ito ay salig sa kinasihang payo ni Pablo sa mga Kristiyano sa Colosas. Ipinaliliwanag ng unang artikulo kung ano ang dapat nating gawin kapag nakarinig tayo ng makasanlibutang ideya na parang kapani-paniwala at gusto ng mga tao. Ipinaaalaala naman ng ikalawang artikulo kung paano natin maiiwasan ang mga saloobin na maaaring magkait sa atin ng mga pagpapalang ipinangako ni Jehova.