Bagong Peak Noong Abril—83,670 mga Mamamahayag!
26,630 ang Kabuuang Bilang ng Nakibahagi sa Buong-panahong Paglilingkuran!
Ang ulat noong Abril ay tunay na namumukod-tangi! Ito ay nagpapakita ng pagpapala ni Jehova sa nagkakaisang pagsisikap natin na ipahayag ang kaniyang mga paglalaan ukol sa kaligtasan. (Awit 67:1, 2) Tayo ay nagpapasalamat sa ating Diyos sa mga naisagawa kagaya ng ipinakikita sa ibaba:
Kabuuang Mamamahayag: 83,670. Nahigitan nito ang ating peak noong Marso ng 1,845.
Auxiliary Payunir: 18,942. Sumulong ng 4,958 sa peak noong Abril, 1984.
Regular Payunir: 6,932, ikaanim nating sunod-sunod na peak.
Kabuuang Payunir: 26,630—32% ng kabuuang mamamahayag.
Kabuuang Oras: 2,269,762. Ito ay kalahating milyong oras ang kahigitan kaysa Abril, 1984. Ang mga auxiliary payunir lamang ay nag-ulat ng mahigit sa 1 milyong oras!
Pag-aaral sa Bibliya: 55,915. May kahigitan itong 3,895 kaysa ating peak noong Marso.
Taglay ang maiinam na resultang ito, pagpalain natin ang ating Diyos na si Jehova, at manalangin na ang papuri sa kaniya ay higit pang sumulong sa buong lupa.—Awit 66:8.