Mga Patalastas
● Alok na literatura sa Abril: Tatlong pambulsang aklat na newsprint sa ₱7.00, o ₱2.50 ang isa. (Ang mga Tagalog na kongregasyon ay mag-aalok ng alinman sa pambulsang aklat sa ₱12.00.) Mayo: Ang aklat na Survival Into a New Earth sa ₱12.00. Hunyo at Hulyo: Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa sa ₱30.00.
● Ang Abril 4 (araw ng Memorval), Abril 5 at Mayo 1 ay mga pista opisyal. Ang mga ito ay mainam na pagkakataon para sa pantanging paglilingkod sa larangan sa bawa’t kongregasyon. Dapat na magsaayos ang mga matatanda nito at ipatalastas ito sa kongregasyon.
● Ang mga pidido ay maaari na ngayong ipadala para sa 1984 na tomo ng The Watchtower at Awake! Ang mga pididong matatanggap ay sisingilin sa kongregasyon at mamarkahang “later” sa invoice. Kapag dumating ang mga tomo mula sa Nueva York, ang inyong pidido ay ipadadala. Halaga: ₱60.00 ang bawa’t isa.
● Palibhasa’y pantanging buwan ang Abril, pakisuyong tiyaking maipadala ng kongregasyon ang ulat sa paglilingkod sa larangan sa Mayo 6 ang pinakahuli. Dapat na makipagtulungan ang mga mamamahayag sa pamamagitan ng pagbibigay karakaraka ng kanilang ulat sa unang pulong pagkatapos ng Abril.
● Karakaraka pagkatapos ng Memoryal sa Abril 4, ipadala ang inyong ulat sa Memoryal. Huwag maghintay hanggang sa katapusan ng Abril.
● Yamang ang aklat na United in Worship ay pag-aaralan sa mga pag-aaral ng aklat ng kongregasyon sa Hulyo, tiyaking ipadala ang inyong pidido ngayon. Gaya ng ipinatalastas sa Marso ng Ating Ministeryo sa Kaharian ang aklat na ito ngayon ay makukuha sa Cebuano, Iloko at Tagalog.