Gamitin ang Bagong Aklat na Creation sa Mayo
Sa buwan ng Mayo, ating iaalok ang bagong aklat na Life—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation? Laging magdala ng mga kopya nito, hindi lamang sa paglilingkod sa larangan kundi sa pagpapatotoo din nang impormal sa mga kamag-anak at kapitbahay. Yamang ang aklat ay nagtataglay ng saganang ilustrasyon, maaaring naisin ng karamihan na gumawa ng tuwirang paghaharap sa aklat, na ginagamit ang mga ilustrasyon samantalang binubuklat ito.
Pagkatapos na ipakilala ang inyong sarili at mabanggit ang Paksang Mapag-uusapan sa maikling paraan, nanaisin ninyo na tuwirang gamitin ang aklat, na binubuksan ito sa Kabanata 19, na ipinakikita ang katuparan ng Apocalipsis 21:3, 4 sa magagandang ilustrasyon nito sa mga pahina 237, 238, at 243. Pagkatapos ay ialok ito sa abuloy na ₱35.00.
Yaong mga nagsisipag-aral ay maaaring magdala ng mga kopya nito sa paaralan at walang pagsalang makapaglalagay nito sa mga kamag-aral at mga guro dahilan sa edukasyonal na kahalagahan ng mainam na aklat na ito. Kaya tiyaking magkaroon ng lubusang bahagi sa kampanyang ito sa Mayo, na iniaalok ito sa paglilingkod sa larangan at sa impormal na paraan sa lahat ng angkop na pagkakataon.