Mga Patalastas
● Alok na literatura sa Nobyembre: Bibliyang New World Translation kasama ng rebisadong aklat na Tunay na Kapayapaan at Katiwasayan sa ₱63.00. (Pansinin: Yaong mga may aklat na newsprint sa kanilang wika ay dapat na mag-alok ng 3 nito sa ₱7.00 o isa sa ₱2.50 sa halip na Bibliya at aklat sa itaas.) Disyembre: Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya sa ₱35.00. Enero at Pebrero: Alinman sa sumusunod na mga aklat sa abuloy na ₱7.00: Katotohanan, Commentary on James, holy Spirit, Ganito na Lamang ba ang Buhay, World Government. Maaaring humiling ng credit ang mga kongregasyon para sa lahat ng mga aklat na nakuha ng mga mamamahayag at payunir. Ang halaga para sa mga mamamahayag ng mga pambulsang aklat para sa kampanyang ito ay ₱6.50 ang bawa’t isa at ang halaga sa payunir ay ₱4.00 bawa’t isa. Sa paghiling ng credit sa remittance form, pakisuyong tiyaking hiwalay ang listahan ng kabuuang aklat na nakuha ng mga mamamahayag at payunir.
● Sa isyung ito ng Ating Ministeryo sa Kaharian, inilalakip namin ang Theocratic Ministry School Schedule for 1987. Papangyayarihin nito na maging pamilyar ang tagapangasiwa sa paaralan sa mga tagubilin at patiuna siyang makagawa ng atas. Dapat na maging pamilyar ang lahat sa mga tagubilin upang maihanda at maiharap ang mga atas nang wasto