Mga Patalastas
● Alok na literatura sa Mayo: Isang taong suskripsiyon sa Ang Bantayan sa ₱60.00. Hunyo: Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya sa ₱35.00. Ang brochure na “Narito!” ay maaaring ialok din sa ₱4.20. Hulyo: Aklat na Mabuhay Magpakailanman sa ₱35.00, ang maliit ay sa ₱17.50. Agosto at Setyembre: Brochure na Pamahalaan o Banal na Pangalan sa ₱4.20.
● Kami ay magpapadala kasama ng statement ng kuwenta sa Abril ng isang “Special Order Blank for Forms.” Pakisuyong alamin ang inyong suplay ng porma at saka ipadala ang inyong pidido karakaraka hangga’t maaari. Ang lahat ng pidido para sa porma ay dapat na matanggap sa tanggapang pansangay sa Agosto 31, 1987. Ang halaga ng mga porma ay sisingilin sa inyong kuwenta ng literatura. Mahalaga: Tiyaking magpadala ng remittance mula sa pondo ng kongregasyon upang ibayad sa mga pormang ito kapag ang halaga nito ay lumitaw sa inyong buwanang statement.
● Ang kuwenta ng kongregasyon ay dapat na i-audit sa Hunyo 1 o karakaraka pagkatapos nito ng punong tagapangasiwa o ng sinumang atasan niya.