Mga Patalastas
● Alok na literatura sa Oktubre: Isang taóng suskripsiyon sa Gumising! sa ₱60.00. Nobyembre: Bibliyang New World Translation kasama ang aklat na Tunay na Kapayapaan at Katiwasayan sa ₱63.00. (Sa Bicol, Hiligaynon at Iloko ang mga edisyong newsprint ng aklat ay maaaring ialok sa ₱2.50, na kung isasama sa Bibliya ay magiging ₱51.50.) Disyembre: Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya sa ₱35.00 o ang brochure na “Narito!” sa ₱4.20. Enero at Pebrero: Matatagal nang mga aklat sa puting papel sa ₱7.00; aklat na newsprint sa ₱2.50; 32-pahinang pulyeto sa 75¢ o 3 sa ₱2.25.
● Yamang buwan ng suskripsiyon ang Oktubre, pahahalagahan ng Samahan kung maingat na susundin ng mga kongregasyon ang mga tagubiling nakalagay sa pormang Weekly Subscriptions (M-203). Lalong malaking tulong sa Samahan kung inyong susundin ang ikatlong tagubilin sa pormang iyon, na nagsasabi: “Sa bawa’t slip, isulat ang halaga para sa suskripsiyong iyon sa bandang ibaba sa kanan.” Dapat tiyakin ng mga kapatid na nangangasiwa sa kuwenta na ito ay isulat sa bawa’t slip ng suskripsiyon bago ito ipadala sa Samahan.
● Pasimula sa Nobyembre 1-7, ang lahat ng mga kongregasyong Cebuano, Hiligaynon, Iloko at Tagalog ay mag-aaral sa brochure na “Narito!” sa pag-aaral sa aklat ng kongregasyon. Pagkatapos, pasimula sa Disyembre 13-19, ang aklat na Tunay na Kapayapaan ang pag-aaralan. (Pansinin: Ang mga kongregasyong Cebuano at Tagalog ay gagamit ng rebisadong aklat, samantalang ang mga kongregasyong Hiligaynon at Iloko ay gagamit ng dating edisyon. Tiyaking ipadala ang inyong mga pidido ngayon para sa aklat na Tunay na Kapayapaan at Katiwasayan upang may magamit kayo kapag ito’y pinag-aralan.)
● Makukuhang mga Bagong Publikasyon: (Pumidido pagkatapos ng Oktubre 1)
Aklat na Mabuhay Magpakailanman, maliit na edisyon—Bicol, Pangasinan, Samar-Leyte
● Makukuha na Naman: (Pumidido pagkatapos ng Oktubre 1)
Aklat na Mabuhay Magpakailanman, maliit na edisyon—Tagalog
Aklat na Mga Kuwento sa Bibliya—Hiligaynon, Tagalog
Mga Paksa sa Bibliya na Mapag-uusapan—Tagalog