Mga Patalastas
● Alok na literatura sa Enero at Pebrero: Matatandang aklat sa puting papel sa ₱7.00; mga aklat sa newsprint sa ₱2.50; matatandang bukleta sa 75¢ o 3 sa ₱2.25. (Pakisuyong tingnan ang Mga Patalastas sa Nobyembre ng Ating Ministeryo sa Kaharian para sa detalye hinggil sa mga aklat at bukleta na kasama sa alok na ito na maaaring pididuhin.) Marso: Worldwide Security Under the “Prince of Peace” sa ₱14.00. Abril at Mayo: Isang taóng suskripsiyon sa Ang Bantayan sa ₱60.00.
● Kapag humihiling ng credit para sa matatandang publikasyon, pakisuyong ilistang magkahiwalay ang mga ito sa ilalim ng “Other Items” sa Remittance form gaya ng “Bks., white paper,” “Bks., newsprint,” at “Booklets,” na inililistang magkahiwalay sa dalawang linya ang para sa mga mamamahayag at mga payunir.
● Pasimula sa Pebrero sa mga pansirkitong asamblea ay magbibigay ang tagapangasiwa ng distrito ng pahayag pangmadla na “Ang Pinahahalagahan ng Sanlibutan o ng Bibliya—Alin?”
● Ang Memoryal sa taóng ito ay ipagdiriwang sa Biyernes, Abril 1, 1988 pagkalubog ng araw. Hindi na kailangang pididuhin pa ang mga paanyaya sa Memoryal yamang ang mga ito ay ipadadala sa bawa’t kongregasyon. Ang halaga nito ay lilitaw sa inyong statement ng kuwenta sa takdang panahon. Hangga’t maaari, dapat na magsaayos ang bawa’t kongregasyon ng kanilang sariling Memoryal sa halip na makipagtipong kasama ng ibang kongregasyon. Gayumpaman, kung may tatlo o higit pang kongregasyon na gumagamit ng iisang Kingdom Hall, baka kakailanganing gumawa ng ibang kaayusan, tulad baga ng pag-arkila ng ibang bulwagan. Subali’t inirerekomenda na, kapag ginawa ito, dapat na may isa man lamang kongregasyon na gagamit ng Kingdom Hall para sa pagdiriwang nito para sa kapakinabangan ng mga interesado na dadalo.
● Pakisuyong pumidido ng ekstrang magasin para sa Abril at Mayo sa katapusan ng Enero, hangga’t maaari. Pahahalagahan namin na maaga ninyong isaalang-alang ang inyong pangangailangan sa magasin, na binibigyang pansin ang maraming auxiliary payunir na maglilingkod sa mga buwang iyon.
● Sa nakaraang mga buwan ay maraming kongregasyon ang nagkaroon ng suliranin sa pagpapadala ng pera sa Samahan dahilan sa kakulangan ng money order. Ang isa pang paraan ng pagpapadala ng pera ay sa pamamagitan ng bank draft. Ito ay maaaring bilhin sa alinmang bangko komersiyal at dapat na gawin sa pangalan ng Watch Tower Society.
● Makukuhang mga Bagong Publikasyon:
1986 Watch Tower Publications Index—Ingles (Ang mga ito ay ₱5.60 ang bawa’t isa at walang ibang halaga sa payunir)
Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan—Kastila