Mga Patalastas
● Alok na literatura sa Abril at Mayo: Isang taóng suskripsiyon ng Ang Bantayan sa ₱60.00. Hunyo: Kaligayahan—Papaano Masusumpungan o Survival Into a New Earth sa ₱14.00. Hulyo at Agosto: Ang brochure na, Ang Pamahalaan na Magdadala ng Paraiso sa ₱4.20.
● Ang mga pidido ay maaari nang ipadala ngayon para sa 1987 tomo ng The Watchtower at Awake! Ang mga ipadadalang pidido ay sisingilin sa kuwenta ng kongregasyon at mamarkahang “later” sa invoice. Kapag dumating na ang mga tomo mula sa Nueva York, ipadadala ang inyong pidido. Karakaraka pagkatapos na ito’y matanggap ng mga kapatid, ang kabayarang ₱84.00 para sa bawa’t tomo ay dapat na ipadala sa Samahan kasama ng inyong susunod na remittance.
● Yamang ang Mayo 6 ay malamang na isang pista opisyal, ang araw na ito ay maaaring gamitin ng mga kongregasyon sa pantanging gawain sa magasin.
● Pakisuyong ipadala sa Samahan ang inyong mga ulat sa Abril nang hindi lalampas sa Mayo 6. Ang lahat ng mga mamamahayag ay hinihimok na makipagtulungan sa mga matatanda sa pamamagitan ng pagtiyak na ang kanilang ulat sa Abril ay maibibigay kaagad sa katapusan ng buwan.
● Pagbabago sa Eskedyul ng Pag-aaral sa Bantayan: Pasimula sa Marso 1, 1988 isyu ng Ang Bantayan, ang eskedyul sa Pag-aaral sa Bantayan na lumilitaw sa pahina 2 ay babaguhin upang ang ipahiwatig ay mga linggo pasimula sa Lunes sa halip na Linggo. Alinsunod sa kaayusang ito, ang materyal na itinakda para sa linggo ng Marso 28 ay pag-aaralan sa Abril 3 ng mga kongregasyon na Linggo ang pag-aaral ng Bantayan.
● Mga Makukuhang Bagong Publikasyon:
United in Worship of the Only True God—Hiligaynon
Organized to Accomplish Our Ministry—Hiligaynon
● Makukuha na Naman:
Aklat na Kabataan—Tagalog
Brochure na Banal na Pangalan—Cebuano, Iloko, Tagalog