Mga Patalastas
● Alok na literatura sa Mayo: Isang taóng suskripsiyon sa Ang Bantayan sa ₱60.00. Hunyo: Kaligayahan—Papaano Masusumpungan o Survival Into a New Earth sa ₱14.00. Hulyo at Agosto: Ang brochure na Ang Pamahalaan na Magdadala ng Paraiso sa ₱4.20.
● Magpapadala kami kasama ng inyong statement ng kuwenta sa Abril ng isang “Special Order Blank for Forms.” Pakisuyong alamin ang inyong suplay ng mga porma at ipadala ang inyong pidido karakaraka. Ang lahat ng mga pidido ng mga porma ay dapat na matanggap sa tanggapang pansangay sa Agosto 31, 1988. Ang halaga ng mga porma ay sisingilin sa inyong kuwenta ng literatura. Mahalaga: Tiyaking magpadala ng remittance mula sa cash ng inyong kongregasyon para mapagtakpan ang halaga ng mga pormang ito kapag lumitaw na ito sa inyong buwanang statement.
● Ang kuwenta ng kongregasyon ay dapat na i-audit sa Hunyo 1 o karakaraka pagkatapos nito ng punong tagapangasiwa o ng sinumang inatasan niya.
● Dapat na tiyakin ng mga matatanda na pahiwatigan ang Samahan kapag may regular payunir na inalis sa listahan o huminto, na ginagamit ang pormang S-206. Ang sinumang tumigil sa pagpapayunir ay dapat na maghintay ng anim na buwan bago siya muling mag-aplay. Isang bagong aplikasyon ang kailangang ipadala bago maisagawa ang muling pag-aatas.