Mga Patalastas
● Alok na literatura sa Hulyo at Agosto: Ang brochure na Ang Pamahalaan na Magdadala ng Paraiso sa ₱4.20. Setyembre: Life—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation?, malaking edisyon sa ₱35.00, pambulsang edisyon ₱17.50. Oktubre: Isang taóng suskripsiyon sa Gumising! sa ₱60.00.
● Kung kayo ay nangangailangan ng karagdagang magasin para sa kampanya ng suskripsiyon sa Oktubre, pakisuyong ipadala sa amin ang inyong pantanging pidido nang hindi lalampas sa Hulyo 31, 1988.
● Sa Sabado, Agosto 27 ay magkakaroon ng pangkalahatang paglilinis sa Tahanang Bethel, kaya hindi magkakaroon ng tour sa tanggapang pansangay sa araw na iyon. Ang opisina ay isasara din sa umagang iyon.
● Ang mga abuloy na ipinadadala ng mga kongregasyon sa Samahan para sa gawaing pang-Kaharian, o ang mga pantanging abuloy na nauukol sa iba pang layunin ay tinutugon ng Samahan sa pamamagitan ng buwanang statements sa mga kongregasyon. Ang pagtugong ito ay nagtataglay ng maikling kapahayagan ng pagpapahalaga. Dapat pansinin ng punong tagapangasiwa ang gayong mga tugon at ipatalastas ang mga ito sa kongregasyon bawa’t buwan kapag nagbibigay ng ulat sa kuwenta. Nais ng Samahan na malaman ng mga kapatid na tinanggap ang kanilang mga abuloy at na ang mga iyon ay pinahahalagahan.