Mga Patalastas
● Alok na literatura sa Agosto: Brochure na, Ang Pamahalaan na Magdadala ng Paraiso sa ₱4.20. Setyembre: Life—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation?, malaking edisyon ₱35.00, maliit na edisyon ₱17.50. Oktubre: Isang taóng suskripsiyon ng Gumising! sa ₱60.00. Nobyembre: Bibliyang New World Translation kasama ng aklat na Tunay na Kapayapaan at Katiwasayan sa ₱63.00. (Kapag may makukuhang edisyong newsprint ng aklat na ito, maaari itong ialok kasama ng Bibliya sa ₱51.50, yamang ₱2.50 lamang ang aklat.)
● Ang bawa’t kongregasyon ay tatanggap ng dalawang Literature Inventory forms kasama ng kanilang statement ng kuwenta para sa Hunyo. Pakisuyong gumawa ng aktuwal na pagbilang ng lahat ng mga literatura sa stock at isulat sa mga porma ang lahat ng ito, at ibalik ang orihinal sa Samahan nang hindi lalampas sa Setyembre 6. Ingatan ang duplikado sa inyong salansan.
● Dapat punan ng kalihim at ng tagapangasiwa sa paglilingkod ang Congregation Analysis Report (S-10) at ipadala ito kaagad sa Samahan kapag nakumpleto ang ulat sa Agosto. Pansinin: Tiyaking punan ang kabilang panig ng porma na humihiling ng impormasyon hinggil sa mga regular payunir at sa kanilang kabuuang oras para sa taon ng paglilingkod. Ingatan ang duplikado sa inyong salansan.
● Ang kuwenta ng kongregasyon ay kailangang i-audit sa Setyembre 1 o karakaraka pagkatapos nito ng punong tagapangasiwa o ng sinumang inatasan niya.