Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 10/88 p. 7
  • Mga Patalastas

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Patalastas
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1988
Ating Ministeryo sa Kaharian—1988
km 10/88 p. 7

Mga Patalastas

● Alok na literatura sa Oktubre: Isang taóng suskripsiyon ng Gumising! sa ₱60.00. Nobyembre: Bibliyang New World Translation kasama ng aklat na Tunay na Kapayapaan at Katiwasayan sa ₱70.00. (Kapag mayroong newsprint ng aklat na ito, ito ay maiaalok kasama ng Bibliya sa ₱58.50, yamang ang aklat ay ₱2.50 lamang.) Disyembre: Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya sa ₱42.00 o brochure na “Narito!” sa ₱4.20. Enero at Pebrero: Worldwide Security Under the “Prince of Peace” sa ₱14.00, o alinmang matatandang publikasyon na maaaring ialok. (Ang mga may edisyong newsprint ay maaaring mag-alok nito sa ₱2.50.)

● Ang sumusunod na pagbabago ng halaga ng literatura ay magkakabisa sa Oktubre 1, 1988. Pakisuyong pansinin na para sa ilang literatura ang halaga lamang para sa payunir o halaga lamang para sa publiko ang naapektuhan. Ang bawa’t bagong presyo ay ipinakikita sa pamamagitan ng asterisk (*). Pakisuyong gawin ang mga pagbabagong ito sa lahat ng kopya ng Cost List ng kongregasyon.

Kong.

at

Publikasyon Pay. Publiko

American Standard

 Version at King

 James Version ₱35.00* ₱ 49.00

Byington Bible 84.00* 140.00*

Diaglott at

 Kingdom Interlinear 35.00* 49.00

New World Translation

Regular edisyon 42.00 56.00*

Deluxe at

  Pambulsang edisyon 63.00* 98.00

Reference Bible 84.00 140.00*

“All Scripture” 28.00* 42.00*

Mga Kuwento sa Bibliya 28.00* 42.00*

Concordance 70.00 98.00*

Creation at

 Mabuhay Magpakailanman

Malaking edisyon 28.00* 42.00*

Maliit na edisyon 10.50* 21.00*

Index (1930-85) 70.00* 98.00

Nangangatuwiran 14.00* 21.00*

Songbook

Malaking edisyon 28.00* 42.00

● Ang Nobyembre 1 ay magiging isang pista opisyal anupa’t dapat na mag-eskedyul ang mga kongregasyon ng pantanging gawain sa magasin maging sa bahay-bahay o sa sementeryo.

● Ang mga ulat ng kongregasyon ay dapat na ipadala sa panahon. Kahit na ito’y mangangahulugan na ang ilang ulat ay dapat na ibilang sa susunod na buwan, ang mga ulat ng kongregasyon ay dapat na ipadala sa ikaanim ng buwan hangga’t maaari.

● Isang pagbabago ang isasagawa sa pagdaraos ng Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro at Pulong Ukol sa Paglilingkod sa panahon ng dalaw ng tagapangasiwa ng sirkito. Pasimula sa Oktubre, 1988, pagkatapos ng pambukas na awit at panalangin magkakaroon ng kalahating oras na paaralan na nagtatampok sa sampung minutong pahayag na nagtuturo na walang repaso, tampok na bahagi ng Bibliya, pagbasa ng Bibliya, at isa pang pahayag ng estudiyante. Ito ay susundan ng kalahating oras na Pulong Ukol sa Paglilingkod, na kailangang baguhin upang magkaroon ng tatlong 10-minutong mga bahagi o kaya’y dalawang 15-minutong mga bahagi, na inaalis ang mga patalastas sa pasimula. Pagkatapos ng isang awit, magkakaroon ng kalahating oras na programa sa pamamagitan ng tagapangasiwa ng sirkito na sinusundan ng pansarang awit at panalangin. Ang buong programa ay magiging isang oras at kalahati, bukod sa mga awit at panalangin. Ang kaayusang ito ay magbibigay sa tagapangasiwa ng sirkito ng pagkakataon upang makita kung papaanong isinasagawa ang mga pulong na ito sa kongregasyon.

● Mga Artikulong may Pantanging Layunin hinggil sa Droga: Ang isyu ng Gumising! ng Disyembre 8 ay magtataglay ng isang serye ng mga artikulo hinggil sa lumalaking panganib ng droga. Ipakikita nito kung papaano nagkaroon ng suliranin at kung ano ang ating magagawa upang ipagsanggalang ang sarili. Ang isyung ito ay makakatawag-pansin sa mga manggagawa sa sosyal at tagapagpatupad-ng-batas, at ito ay angkop para ilagay ng mga kabataan sa mga kamag-aral at mga guro.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share