Mga Patalastas
● Alok na literatura sa Enero at Pebrero: Worldwide Security Under the “Prince of Peace” sa ₱14.00, o alinman sa matatandang 192-pahinang mga aklat na inimprenta sa newsprint sa ₱2.50. (Pakisuyong tingnan ang sumusunod na patalastas para sa mga aklat na newsprint na nasa stock pa ng tanggapang pansangay na maaaring pididuhin.) Marso: Aklat na Tunay na Kapayapaan at Katiwasayan o alinman sa iba pang 192-pahinang aklat sa ₱14.00. (Ang mga edisyong newsprint ay maaaring patuloy na ialok sa ₱2.50.) Abril at Mayo: Isang taóng suskripsiyon sa Ang Bantayan sa ₱60.00.
● Ang sumusunod na mga publikasyon na inimprenta sa newsprint ay makukuha pa sa tanggapang pansangay at maaaring ialok sa ₱2.50 sa Enero, Pebrero, at Marso. Ang halaga sa payunir ay 70 sentimos. Pakisuyong humiling ng kredit para sa mga mamamahayag at payunir na kumukuha ng mga ito, na ipinakikita ang mga ito sa dalawang magkaibang linya sa S-20 form.
Good News to Make You Happy—Hiligaynon, Pangasinan, Samar-Leyte
Tunay na Kapayapaan at Katiwasayan—Iloko
Pakikinig sa Dakilang Guro—Samar-Leyte
● Ang Memoryal sa taóng ito ay ipagdiriwang sa Miyerkules, Marso 22, 1989, paglubog ng araw. Ang mga paanyaya sa Memoryal ay hindi na kailangang pididuhin pa yamang ang mga ito ay ipadadala sa bawa’t kongregasyon. Ang halaga para sa mga ito ay lilitaw sa inyong statement sa kuwenta sa takdang panahon. Hangga’t maaari, magsasaayos ang bawa’t kongregasyon ng kanilang sariling Memoryal sa halip na makisama sa ibang kongregasyon. Gayunman, kapag may tatlo o higit pang kongregasyong gumagamit sa iisang Kingdom Hall, maaaring gumawa ng ibang kaayusan, tulad ng pag-arkila ng isang lugar. Subali’t iminumungkahi na, kapag ito’y ginawa, isa man lamang kongregasyon ang kailangang magdiwang sa Kingdom Hall para sa kapakinabangan ng mga interesado na maaaring dumalo.
● Pakisuyong pumidido ng inyong ekstrang magasin para sa Abril at Mayo sa katapusan ng Enero, hangga’t maaari. Pahahalagahan namin ang inyong maagang pagsasaalang-alang ng inyong pangangailangan sa magasin, na isinasaalang-alang ang malaking bilang ng mga payunir na maglilingkod sa mga buwang iyon.