Mga Patalastas
● Alok na literatura sa Abril at Mayo: Isang taóng suskripsiyon ng Ang Bantayan sa ₱60.00. Hunyo: Ang aklat na Apocalipsis—Malapit na ang Dakilang Kasukdulan Nito! sa ₱42.00. Hulyo at Agosto: Brochure na Pamahalaan sa ₱4.20.
● Ang pidido ay maaari na ngayong ipadala para sa 1988 na mga tomo ng The Watchtower at Awake! Ang mga pidido ay sisingilin sa kuwenta ng kongregasyon at mamarkahan ng “later” sa invoice. Kapag dumating ang mga tomo mula sa Nuweba York, ang inyong pidido ay ipadadala. Kapag natanggap ito ng mga kapatid, ang bayad na ₱84.00 para sa bawa’t tomo ay dapat na ipadala sa Samahan kasama ng inyong susunod na remittance.
● Yamang ang Mayo 1 at 6 ay malamang na ipahayag na mga pista opisyal, ang mga araw na ito ay maaaring gamitin ng mga kongregasyon para sa pantanging gawain sa magasin.
● Pakisuyong ipadala sa Samahan ang inyong mga ulat sa Abril nang hindi lalampas sa Mayo 6. Ang lahat ng mga mamamahayag ay hinihimok na makipagtulungan sa mga matatanda upang matiyak na ang kanilang ulat sa Abril ay karakarakang maibibigay sa katapusan ng buwan.